Part One

242 9 2
                                    

Chanyeol's POV

Nandito na ako sa sinasabi nilang apartment unit ko. Hindi ko talaga matandaan na naging apartment ko 'to eh.

Bakit ba kasi nagka-amnesia pa ako? Hindi ko rin maalala kung bakit ako naaksidente eh.

Pagpasok ko sa unit ko, napakadilim at walang ilaw.

"Dito ba ako nakatira?" tanong ko sa sarili ko.

Pinakialaman ko lahat ng gamit dito, ewan ko lang ba kung mga gamit ko nga ang mga ito. Meron ditong mga helmets at ang kalat kalat..

Ang higaan ko sofa? I sighed. Parang magiging miserable ang buhay ko lalo na't wala akong maalala. Napasabunot ako sa buhok ko at inalis ko yung nakatapal na bandage sa noo ko.

Matutulog na ako. I am so exhausted.

Nakikita ko ang sarili ko sa panaginip ko at may kaharap akong isang tao na hindi ko mahagilap kung sino. Masyadong blurred!

Then I smirked at that person..

Bigla akong nagising dahil dun. Why did I smirk sa panaginip ko?

Urgh! Sumasakit yung ulo ko kapag pinipilit kong makaalala.

Inayos ko yung higa ko at laking gulat ko na lumulutang sa ibabaw ko ang isang babae..

"N-Nananaginip b-ba ako?" tanong ko sakanya.

Umiling iling naman siya habang nakapalumbaba at nakasmile sakin.

"E-Ehh.." hindi ako makapagsalita. Paano ba siya nakapasok dito?

Pinanliitan niya ako ng mata. "I'm a ghost."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Oh.. Nananaginip nga a-ako. He-he." bulong ko sa sarili ko.

Kumunot naman yung noo niya. Pumikit ako at nagsimulang dumasal na sana panaginip lang ito.

"Hindi nga sabi 'to panaginip eh." narinig kong sabi niya pero nagpatuloy pa rin ako sa pagdadasal..

Wala na akong naririnig na multo.. Kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko.. I sighed in relief..

"Ganito ba talaga ang itsura ng apartment ng isang lalaki?"

Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sakanya..

"Kadiri.." sabi niya at nilibot ang apartment ko.

Inamoy niya yung sampayan. "Aish! Dapat ulitin mo ang paglalaba nitong mga damit mo. Ang baho!" tinakpan niya ang ilong niya at pinaypayan ang sarili.

Tinuro ko siya gamit ang index finger ko. "I-Ikaw! A-Ano ka ba talaga?"

Napaatras ako ng lumutang siya papunta sakin. "Hulaan mo.." 

Tumalikod ako sakanya pero nag-teleport naman siya! May powers ba siya? Yung teleportation powers?

"Hindi mo pa ba ako nakita before?" tanong niya. Nag-eecho pa yung boses niya kapag nagsasalita siya. Pero hindi naman siya mukhang multo eh. Napakaganda niya.

Diba ang mga ghost dapat duguan or ang papangit? Baka anghel 'tong kasama ko?

"H-Hindi pa." sagot ko sa tanong niya. Pero bakit parang oo na?

Pumikit ako at inalala kung saan ko siya nakita..

"Ikaw yun."

"Ikaw yun."

"Ikaw yun."

Agad agad ko namang minulat ang mga mata ko at nakita kong nag-beautiful eyes siya sakin. Napalunok ako. Naalala ko na.. siya yung babaeng nasa police station na bigla na lang nawala.

Dahan dahan akong tumalikod sakanya at kinuha yung jacket ko pero nahulog ako sa sofa dahil sa sobrang nerbyos dahil may kausap akong multo.

Tumayo naman ako kaagad para hindi ako mapahiya. Dumiretso ako sa pintuan.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sakin.

Tumakbo ako palabas ng unit ko at agad na sinara ang pinto. Bigla akong hiningal sa sobrang nerbyos. Pinagpapawisan na rin ako sa takot.

"Where are you going at this hour?"

O_O

Tumalikod ako pero wala naman siya roon.

"Up here."

Inangat ko yung ulo ko at nakaupo siya sa ibabaw ng mataas na wall. Paano siya nakataas diyan? Kumaway siya sakin.

HUH! Hindi yata ako titigilan ng multong 'to. Pero hindi talaga halatang multo siya eh. Siguro spy siya.

Tumakbo ako pababa ng apartment building.. Nakakahingal! Tumingin ako sa likod ko at hindi na siya nakasunod..

"Chanyeol.."

Nagsitaasan ang balahibo ko. Humarap ako sa tumawag sakin.

"AAAHHHHHHHH!"

---

A/N: Ops! Cliffhanger! Hahahahahahahaha ano kayang nakita ni Chanyeol?

VOTE COMMENT SHARE!

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now