Part Two

229 9 0
                                    

Chanyeol's POV

Inayos niya yung pagkakatakip ng buhok niya sa mukha niya at ngumiti ulit siya saakin at kumaway. Bakit ba ang saya-saya ng multong 'to pag nakikita ako?

I'm really freaking out..

1

2

3

TAKBOOOOOO!

May nadaanan akong dalawang lalaki kaya tumago ako sa likod nila.. Pero lumalapit pa rin sakin yung babaeng yun. "AHHHH! Wag kang lalapit!" sigaw ko sabay takbo ulit.

"Anong problema ng lalaking yun?" narinig kong sabi nila pero tuloy pa rin ako sa pagtatakbo.

Kahit saan ako pumunta, nandun pa rin siya. Ako naman, sigaw ng sigaw.. Magigising na yata ang mga kababayan ko dahil sa sigaw kong pang-chicks! Ganito pala ang sigaw ko?

* * *

Nandito ako sa hospital at nagpa-check up sa doctor na gumamot saakin.

"Mararamdaman mo ang pagiging unsecured at depressed.."

Nilibot libot ko ang tingin ko sa paligid at sa pag-sulyap ko sa side ko, nandito nanaman siya!

Muntik na akong mahulog sa upuan ko..

"Hey.." tawag sakin ng doctor.

"P-Po?"

"because it's amnesia." pagpapatuloy niya sa sinasabi niya kanina. "So, try your best para makaalala ka na at alamin mo sa family at close friends--"

Itinapat ko ang kamay ko sa mukha ng doctor para sabihing wag muna siyang magsalita. "Meron akong mas malalang problema ngayon.."

"Anong problema?"

Sasagot na sana ako sa doctor ng makita ko yung babae na hawak yung stethoscope ng doctor. Kumaway nanaman siya sakin. Mannerism niya na ba ang pagkakaway? At itinapal niya ang stethoscope sa noo niya at tiningnan ako ng masama.

Napabuntong hininga ako. "May nakikita akong dapat hindi ko makita.."

* * *

Sumakay na ako sa bus at sumunod pa rin saakin ang babaeng 'to.

"Chanyeol.."

'Temporary phenomenon lang 'to. Mawawala rin siya sa paningin ko soon.' sabi ng utak ko.

"Chanyeol.."

'Aalis din siya, alam ko yun.'

"Hindi noh.. Lagi lang akong nandito sa tabi mo."

Paano niya narinig yung sinasabi ng isip ko? Grabe talaga ang powers ng babaeng 'to!

"Humawak ka lang sa pole. Maya-maya, biglang sisiko ang bus na 'to papunta sa kanan."

Chanyeol.. Wag kang makinig sakanya. Tinakpan ko yung tenga ko at pumikit.

'Hear no evil..'

"Magsisisi ka kapag di ka humawak sa pole."

'Just ignore her. Wag mo lang siyang pansinin.'

Nagulat ako ng biglang sumiko ang bus papunta sa kanan kaya tumilapon ako sa kinauupuan ko at nasubsob sa sahig ng bus.

"Tsk tsk. Sinasabi ko na kasi eh." aniya at umiling iling.

Tumayo na ako at bumalik sa upuan ko. Hinarap ko siya.

'Sino ba kasi itong babaeng 'to? Ghost ba talaga siya?'

"Sumunod ka sakin kung gusto mo talagang malaman kung ano ang sagot sa mga tanong mo." tumayo na siya at lumabas ng bus. I mean, dumaan siya sa wall ng bus, yung parang invisible.

"Manong, para!" sigaw ko at bumaba na rin ng bus.

Napunta ako sa isang funeral at laking gulat ko na yung babaeng yun ang nasa picture na naka-display sa ibabaw ng coffin.

Totoo pala yung sinasabi niya, na isa siyang GHOST.

Pinaupo ako sa visitor's lounge at binigyan nila ako ng pagkain. "Salamat." sabi ko sa babaeng nag-serve.

"Aish! Bakit ba pare-parehas lang ang sineserve na pagkain dito? Gutom ka na ba? Ako kasi gutom na eh."

Binigay ko naman sakanya yung pagkain ko. Chinibog niya naman agad ito. Ngayon lang ako nakakita ng multo na nakakahawak at nakaka-kain ng pagkain.

"ileumi-mweoyo?" tanong ko. (What's your name?)

"Dara Park."

"Ilang taon ka na?"

"Twenty-nine."

Mas matanda pala siya sakin ng 9 years. "Bakit mo ako hinanap?"

Sasagot na sana siya ng kinausap ako ng isang babae. "Oh? Bakit nandito ka kahit may sakit ka? Thank you, Chanyeol."

Kilala nila ako? "Uhm..W-Welcome."

"Bakit di ka kumakain? Let me serve you new food." sabi ng middle-aged woman at kinuha yung kinakain kanina ni Dara. Sayang, mukhang gutom na gutom pa naman yung multong yun.

"Siya yung babaeng nagtatrabaho para sakin." sabi ni Dara. Tumango-tango na lang ako.

Bigla namang nagchismisan ang dalawang babaeng katabi ko. "Ano ba talaga kasi yung nangyari sakanya?"

"I think she got stabbed with a knife."

"Huh! Oh nakakaawa.."

"Sa tingin ko robbery yung nangyari.."

Napatingin naman ako kay Dara na ngayo'y nilalaro ang daliri niya. Grabe! Hindi ko na makaya pa ang mga naririnig ko!

---

A/N: That's it for today! Pagod na yung mata ko eh.. Di ko pa alam kung kailan yung next update. Pero I'm sure hindi naman matatagalan ang pag-update nito.

VOTE COMMENT SHARE!

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now