Part Five

160 7 0
                                    

Chanyeol's POV

Gabi na kaya umuwi na ako sa apartment ko.. Sumunod naman sakin si Dara..

Pinagbuksan ko siya ng pinto at binuksan ko ang ilaw para sakanya.. Ewan ko eh, bakit ganito ata ako kumilos?

May naaamoy akong salitang AWKWARD eh.. Pagkapasok namin sa apartment, walang nagsasalita saaming dalawa..

Sabay naman kaming nagkatinginan pero umiwas agad kami ng tingin sa isa't isa.

Tumikhim ako at hinawakan ko yung leeg ko.. "Ahh, uhmm.. Na-ano.. Nauuhaw ako? I need water.." nauutal kong sabi at dumiretso sa fridge at binuksan ito.. Kumuha ako ng bottled water nang maramdaman kong katabi ko na si Dara..

"Oh? Ito na lang inumin natin!" aniya at tinuro ang mga bote ng beer sa loob ng fridge.

Kinuha ko naman iyon at inilapag sa mini-table na nasa sala.. Nilagyan niya ng beer ang baso niya, ganun din ang ginawa ko sa baso ko.. Inangat niya yung kanya.. "Cheers~"

Makikipag-cheers na sana ako sa baso niya ng bigla niya nalang nilagok yung beer. So, nilagok ko na lang rin yung akin..

Nakaka-ilang inom na ang babaeng 'to. Mukhang lasing na lasing na siya?

Ininom niya na yung last drink niya.. "Ahhh~" Tapos pangiti-ngiti pa siya habang mapupungay ang mga matang nakatingin sakin.

Nakapalumbaba siya at mukhang antok na siya dahil patumba-tumba yung ulo niya.. Tsk tsk iinom inom kasi eh. May problema ba ang babaeng 'to?

Maya-maya lang, nilapag niya ang ulo niya sa mini-table at mukhang nakatulog na siya.

Winagayway ko naman ang kaliwa kong kamay sa mukha niya.. Pero hindi siya nagigising.. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya.. "Ang mga multo pala ay nalalasing rin?"

O_O

Waaaaa! Nagulat ako ng bigla siyang nag-mulat. "That's impossible." aniya tapos bigla na lang siyang ngumiti at kumikinang ang mga mata niyang nakatingin sakin. "Chanyeol.. Do you want to.. date me?"

A-Ano daw? Ano yun? Di ko narinig! Nabibingi na ba ako! Nakakabingi yung sinabi niya!

Kumunot yung noo ko. "A-Ano?"

Umayos naman siya ng upo at nakapalumbabang nakatitig sakin. "Bakit? Matino namana kong babae. Ikaw lang yung taong nakakakita sakin! So, imposibleng maging affair mo ako." ngumiti siya sakin.

Bakit parang biglang uminit? Mas lalo siyang napangiti. Pakiramdam ko namumula na ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Multong idedate ko?

Iniwas ko naman yung tingin ko sakanya at tumayo para lumabas ng unit ko.

"Yah! Saan ka pupunta?" narinig kong sigaw niya pero isinara ko na ang pinto.

Pinagdikit ko ang mga palad ko at pumikit.. "Huminahon ka lang Chanyeol.. Hindi ka pwedeng ma-seduce ng isang multo!" sermon ko sa sarili ko. "Teka, siguro isa itong sequel dahil duon sa aksidenteng natamo ko.. Oo! Tama! Ganun nga!" para akong tangang kumakausap sa sarili ko dito sa labas eh noh?

* * *

Morning..

*tok tok tok*

Sino naman kaya 'to?

Binuksan ko yung pinto ng unit ko at bumungad sakin yung babaeng pulis. "Good Morning po!" bati nito.

"Oh? Good morning rin po." sabi ko at lumabas ng pinto. Naipit pa nga ako eh dahil hindi ko masyadong binuksan yung pinto sa paglabas ko. Baka kasi makita siya ni Dara eh.

Nakita kong nagtatakang nakatingin sakin yung babaeng pulis. "May ibang tao ba sa unit mo?"

"Wala.. Anong problema po?" magalang kong tugon sakanya.

"Nandito pala ako para mag-confirm ng mga bagay. Wala ka sa bahay ni Dara Park para sa delivery.. umuwi ka noon ng maaga.." aniya habang binabasa yung hawak niyang papel. Paano niya nalaman? "So, bakit ka pumunta doon sa lugar niya?"

Napa-nganga ako sa tanong niya. Anong isasagot ko?! "A-Ah.. May narecieve kasi akong birthday invitation galing sakanya noon." diba yun yung totoo? Sinabi sakin yun ni Dara nung nasa may ilog kami diba?

Tinignan naman ako nung pulis na parang hindi makapaniwala. "Ininvite ka ni Ms. Dara Park? Diba sinabi mo noon na galing ka doon para sa isang delivery?"

Ngumiti ako ng hilaw. "He-He.. Naalala ko na kasi.. konti lang." with hand gesture pa yan!

"Kayo ba?" tanong niya. Anong ibig sabihin niya ng kami? Anong kami? As in KAMI?

When she said KAMI, she meant KAMI, not KAMI.. Gets?

Tumawa naman ako. "Hindi po.. First time ko makarecieve ng invitation sakanya noon."

Bumuntong hininga naman si Ms. Pulis. "Mr. Park Chanyeol, wala ka na bang maalala pang iba? Tulad ng.. close friends mo or family?" yumuko naman ako. Wala akong masabi. "Bakit si Ms.Dara Park lang ang nasa memory mo pero hindi mo maalala ang ibang tao?"

EH KASI NGA NAKIKITA KO YUNG MULTONG YUN AT KUMEKWENTO SIYA SAKIN KAYA AYUN!

"Diba kakasabi mo lang na wala kayong relasyon sa isa't isa?"

Hindi ako nakasagot..

"Don't you find it weird? Anyway.. Sana bumalik na yung memory mo as soon as possible. I'll go now." at naglakad na siya paalis..

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now