Part Four

172 6 0
                                    

Chanyeol's POV

"Itong lugar na 'to.. Meron pang isang tao dito.. Yung taong yun, sa tingin ko ay yung murderer."

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng isang pulis saakin. Hindi na lang ako kumibo.

Dinala nila ako sa police station. "Alright, let's sort things out again. Sabi mo may mga naalala ka, pumunta ka doon at narealize mo yung crime scene?"

"Opo.. Nandoon ako noon para sa isang express delivery.. At nawitness ko yung murder at yung crime scene.." sabi ko.

"Please clearly describe kung anong nangyari sa crime scene."

"Nakita ko ang isang babae na nag-collapse sa floor." sabi ko at tumingin sa katabi kong si Dara.

"Siya si Dara Park. After that, may nakita ka pang ibang tao?"

"Opo."

"Sa tingin mo ba yung taong yun ay yung murderer?"

"I think so.. Naaalala kong hinahabol niya ako."

"Ano bang suot niya?"

"Hindi ko alam.."

"Then, bakit ka pumunta sa bahay ni Dara Park?"

Tumingin ulit ako kay Dara at binalik ko ang tingin ko sa babaeng pulis. "Kasi.. isa akong delivery man.."

Napa-cross arms naman ang policewoman. "Ano bang dineliver mo noong araw na iyon?"

Yumuko ako. "H-Hindi ako sigurado.. Hindi ko maalala.."

Bumuntong hininga yung police. "Well, in this case. Hindi ako makakasulat ng report. Paki-contact na lang kami kapag naalala mo na. We'll carry on to investigate the crime scene."

Tumango-tango na lang ako at tumayo na. Lumabas na ako ng police station.

"Diba nakita mo na hinahabol ka nung murderer, baka hanapin ka rin mismo nung murderer, Chanyeol. Dapat mag-iingat ka.."

* * *

"Sir, bakit hindi ko mahanap ang work record ko dito?" kasalukuyan kong hinahanap ang work record ko sa log book.

"Talaga?" lumapit naman itong boss ko sa log book. "Teka, diba umuwi ka ng maaga noong araw na yun? Hahaha absent-minded ka naman masyado." aniya at bumalik na sa ginagawa niya.

Lumabas na ako ng opisina. "Kung umuwi ako ng maaga noon, ibig sabihin wala ako doon para sa delivery. How strange! Pero bakit nandun ako? Hindi ko masyadong marecall yung nangyari pero masyadong malabo yung pangyayaring naaalala ko." napasapo ako sa noo ko. "I'm really going crazy!"

"Wag kang mag-alala.. Hindi ka naman involved sa murder na 'to. Isa ka lang namang witness.."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. "Alam mo ba lahat? Bakit ako pumunta sa tinitirahan mo? Pwede ba diretsuhin mo na lang ako."

"Gusto mo ba talagang malaman?"

Tumango naman ako. Handa akong makinig sa sasabihin niya.

"You have to promise me na tutuparin mo ang request ko.." may kondisyon pa talaga? Tumango na lang ako para malaman ko na.

Unti-unti naman siyang lumalapit saakin habang pinanliliitan niya ako ng mata kaya napapaatras ako habang lumalapit siya.. Mahuhulog na ako sa ilog! Saka naman siya tumigil ng muntik na akong mahulog.

"Yah! Ano bang gagawin mo sakin?! Huh!"

singhal ko.

"This is my request. Diba gusto mong malaman ang lahat?"

"A-Are you asking me to go down there?!" turo ko sa ilog.

"Mmm-hmm."

Ngumiti ako. "That is not a bad idea. Pero sa tingin ko, dapat maghanap tayo ng iba pang paraan."

"Sa tingin ko, this is the best way."  aniya at tinuro ang ilog. 

"YAH!" malakas na sigaw ko. "Gusto ko pang mabuhay."

"Hindi naman agad-agad namamatay ang mga tao eh."

Nanlaki ang mga mata ko. "Sa tingin mo ba isa itong consolation?"

"Hindi mo kaya noh? Okay.. I got it." umatras naman siya ng ilang steps.. Anong gagawin niya?

"Stay there! Wag kang gagalaw!" pinanliitan niya ako ng mata. Ano bang gagawin niya?!

"YAH! YAH! YAH!" sigaw ko dahil tumakbo siya palapit sakin.. ITUTULAK NIYA BA AKO SA ILOG?!

*splash*

Nakangiti naman siya habang pinagmamasdan ako.

 Aish! This girl! "Yah!--" tapos lumubog ako..

Sinubukan kong umahon.. "Yah! Malulunod--" tapos lumubog nanaman ako.

"Kaya mo yan Chanyeol! Mag-swimming ka lang!"

"Paano mo naman alam kung marunong nga ako?!" sigaw ko at sinusubukang wag akong lumubog sa tubig. Nakakainom na ako ng tubig ilog!

"Nahulog ka sa ilog dati.. Kagaya ngayon."

Lumubog nanaman ako sa tubig at nakikita ko ang sarili ko sa ilalim ng tubig na walang malay at may lumigtas saaking babae..

Noong nagtatrabaho ako para sa delivery, nag stop by ako sa convenience store at may lumapit saking babae at binigyan ako ng bulaklak. "Opening ng flower shop ko ngayon. I hope you can visit." at ngumiti siya sakin.

Umahon na ako. Marunong naman pala akong mag-swimming..

"Sigurado akong ikaw yung niligtas ko noon dito sa ilog nung nagtangka kang magpakamatay.. Don't you feel sorry for me? You've got to feel sorry for me. Bakit hindi mo alam na ako yun? Not to mention sa ganda ko, I saved your life..."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Totoo nga, maganda siya.

Tinitigan niya naman ako ng matagal..

Spell A W K W A R D ? Umiwas na lang ako ng tingin.

"Dapat palagi ka lang ngumiti. Ngumiti ka lang, kagaya ko. Hee ~" sabay ngiti niya. "Dapat ganun."

Natawa nanaman ako kaya napangiti na rin ako.

"Ngumiti ka ulit. Bakit ba tumitigil ka? Smile wider. Smile as much as you like.."

Ngumiti na lang ulit ako. Yung kita ang ngipin.

"It's always very good to see you smile.. It's really beautiful.." natulala ako sakanya ng bigla na lang may tumulong luha sa mga mata niya.

"Chanyeol.. diba sabi mo gusto mong malaman kung bakit ka pumunta sa tinitirahan ko noon?" ngumiti siya. "Ininvite kita sa bahay ko."

"B-Bakit mo ako ininvite?" tanong ko.

"Because.. I like you."

A-Ano daw? She likes me? "B-Bakit hindi mo sinabi saakin nung una pa lang?"

"Gusto ko kasi maalala mo muna ako bago ko sabihin sayo. Umaasa akong marerecognize mo ako."

Natameme ako. I was so speechless.

to be continued...

It's Okay, I'm Just A GhostМесто, где живут истории. Откройте их для себя