Part Three

246 6 0
                                    

A/N: Umuulan ngayon dito saamin. So, ginanahan ako mag update kasi nakakarelax kasi malamig hahaha. Heto na ang Part Three ^_^

Chanyeol's POV

Nandito kami sa labas ng funeral. Nakatayo lang ako at nakasandal sa pader at si Dara naman ay naka indian seat sa sahig.

"Yun na ba ang rason kung bakit mo ako hinanap?" tanong ko sakanya.

Nilalaro niya naman ang daliri niya at tumango-tango siya.

"So, ganito. Hinanap mo ako kasi gusto mo ako yung huhuli sa pumatay sayo? Or to seek revenge sa pumatay sayo? Tama ba ako? Ganun ba ang ipapagawa mo sakin?"

Bigla namang lumiwanag ang mukha niya at tumingin sakin. "That would be great kung gagawin mo yan!"

"Pero paano kung hindi naman pala ganun ang gagawin ko?" sabi ko at humingang malalim.  "ANO NGA BA KASI ANG RASON SA PAGHAHANAP MO SAKIN?!" sigaw ko at pinadyak ang paa ko.

Nagsitinginan naman saakin ang mga taong dumadaan kaya napaiwas na lang ako ng tingin at hinilot ko ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip! Ano ba talaga kasi ang kailangan sakin ng multong 'to?!

Sumulyap naman ako sa kaliwa ko at ang lapit-lapit ng mukha ni Dara sa mukha ko. Pinanlakihan niya pa ako ng mata. Napalunok ako.. Nakakatakot kasi yung tingin niya O_o

"Definitely, merong rason kung bakit kita hinanap. Merong reasons why the dead came to look for the living." mas lalo niya pa akong pinanlakihan ng mata. Kulang na lang lumuwa yung mga mata niya. Mukhang galit na siya.

Pati ako nagagalit na rin. "Ganun na nga ang punto ko.. Ano ba ang rason mo kung bakit mo ako hinanap?" sabay yuko. Baka kasi panlakihan niya nanaman ako ng mata. Delikado na.

"At bakit ko naman sasabihin sayo? You should find it out yourself. Makakatulong yun para bumalik yung memory mo." nginitian niya ako at tumalikod siya at unti unti naglakd palayo sakin.

"Bakit naman ako makikinig sayo?" pahabol ko.

Humarap ulit siya sakin. "Kasi.. I will be with you for the rest of your life."

* * *

"Sino ba yung mga close friends mo? Anong trabaho mo? Kasi sa panahon ngayon, we tend to store everything sa mga cellphones namin." aniya at nagpaikot ikot sa swivel chair.

"Don't worry about it.." bulong ko. Baka kasi mapagkamalan nanaman akong baliw kapag nilakasan ko pa ang boses ko eh. Ako lang naman ang nakakakita sa babaeng 'to.

"Wag ka mag-alala. Susundan kita, lagi lang akong nasa tabi mo." nag-beautiful eyes siya habang nakapalumbaba.

"Sir, damaged na po yung cellphone. Hindi na po marerecover yung information." sabi ng phone repairer. Nandito kami sa cellphone repair shop at pinapaayos ko yung phone ko baka kasi may mg impormasyon akong nakalagay doon. Kaso nga lang, sira na daw eh.

"Haaay.. pati yung cellphone mo may amnesia na rin." malungkot na sabi ni Dara.

"Pwede ka naman pong gumamit ng bagong phone. You have to just pay for the down payment for the first month and the installment." sabi nung lalaki.

Bigla namang tumunog yung touch screen na phone na binigay niya sakin kaya tinutok ko ito sa tenga ko.

* * *

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now