Part Seven

146 6 4
                                    

Chanyeol's POV

After ko maipadala yung yellow flowers sa home-for-the-aged, dumiretso agad ako sa unit ko at binuksan ang laptop ko. May nakalagay na ritong email pero hindi ko alam kung ano ang password ko.

Nag-isip isip muna ako bago mag type. Hmm ano kayang password ko dati?

parkchanyeol

*ENGKK! WRONG PASSWORD*

Napakunot-noo ako. 

chanyeolpark

*ENGKK! WRONG PASSWORD*

Peste! Mababaliw na ako sa kakaisip ng password ko dito!

eklavush

*ENGKK! WRONG PASSWORD*

hotdog

*ENGKK! WRONG PASSWORD*

shibal!!!

*ENGKK! WRONG PASSWORD*

Napaface-palm ako sa inis, napapikit at hinilot ko ang sintido ko. Maya-maya pa, pumasok sa isip ko yung babaeng multo na yun. Ipinwesto ko na yung mga daliri ko sa keyboard.

darapark

O_O

Welcome to your profile! Park Chan Yeol!

Nabuksan ko na! Bakit pangalan nung babaeng yun ang password ko?

Nanginginig kong hinawakan ang mouse at napalunok ako. Heto na, titignan ko na yung inbox.

Nanlaki yung mga mata ko ng puro pangalan ni Dara ang nasa inbox ko.

I opened the first message.

        Hi! Narecieve mo ba yung flowers ko? Alam kong gustong gusto mo ang mga flowers na ginagawa ko kaya ginawan kita. Ginawa ko 'yun para sayo, galing sa puso ko :)

Napangiti ako. Bigla ko namang isinara ang laptop ko.

Bakit ako ngumiti?

Lumabas ako ng condo unit ko at nadatnan ko si Dara na nakaupo sa gate ng staircase. Bumaba naman siya agad ng makita ako.

"Let's go. Bilisan natin at baka ma-late ka sa trabaho mo." aniya.

Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad kami. Huminto ako sa harapan niya kaya napahinto siya sa paglalakad. "Napag-isip isip kong mag break muna sa pagtatrabaho."

"Bakit? May nangyari ba?"

"Naisip ko lang.." ngumiti ako. "I want to have fun. Let's go."

Tumango naman siya at ngumiti.

* * *

Nandito kami ngayon sa park at maraming stalls rito. Huminto kami sa bilihan ng cellphone keychains. Tinuro niya yung keychain na yellow flower. "Gusto ko 'to."

Binili ko naman iyon para sakanya. Tumalon talon naman siya dahil sa simpleng regalo kong iyon.

Pumunta naman kami sa pagawaan ng pancake. Stall ito na ikaw mismo ang magluluto ng sarili mong pancake. Gumawa ako ng pancake at ginuhitan ko ito ng hugis puso. Nang maluto ito, isusubo ko sana kay Dara ng mapatingin sakin yung tindera. Nginitian ko naman 'to ng hilaw at ako nalang mismo yung kumain nung pancake. Baka kasi mapaghinalaan nanaman akong baliw dito.

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now