Part 11 - THE TRUTH

139 4 0
                                    

Third Person's POV

"Sigurado ka ba dito?" -Pulis1

"Oo. Gusto niya raw kasi, siya mismo yung huhuli sa murderer na iyon." -Pulis2

Napangiti si Pulis1. "Malaking tulong iyan para mahuli natin si Jinsu."

Bigla namang napayakap sa sarili si Pulis2. "Ang lamig naman! Isara mo na kaya yung aircon nitong kotse."

"Huh? Hindi naman tayo nag aaircon ah? Tsaka oo nga noh, ang lamig." Napayakap rin sa sarili si Pulis1.

Tahimik namang nakaupo si Dara sa backseat habang nakatitig kay Chanyeol na naka-cap habang naghihintay sa isang eskinita kung saan madalas dumaan si Jinsu.

"Ayan na si Jinsu." sabi ni Pulis1 sa hand-radio at nagsilabasan naman ang mga pulis sa kanilang mga sasakyan.

Bigla namang linusob ni Chanyeol si Jinsu at hinawakan ito sa collar and pinned him on the wall.

Gulat na napatingin si Jinsu kay Chanyeol. "Kuya?! Sinabi mo sa mga pulis?! Ano bang iniisip mo--"

*boogsh*

Sinuntok ni Chanyeol si Jinsu sa panga para matigil ito sa pagsasalita. Napayuko naman sa sakit si Jinsu at napahawak sa pisngi niya.

Itinayo ni Chanyeol ng maayos si Jinsu at hinawakan pa rin ito sa collar habang galit na galit na nakatingin rito.

Nagsilapitan naman ang mga pulis sa eskinita kung nasaan si Chanyeol at Jinsu. Tumigil naman agad sila ng magsimulang magsalita si Chanyeol.

"Bakit ba ginawa mo iyon? Huh? Hayop ka!" sigaw ni Chanyeol.

Tahimik namang nakatayo sa gilid si Dara habang masama ang tingin kay Jinsu.

"Kuya! Bakit mo ba ginagawa 'to?!" sigaw pabalik ni Jinsu.

Mas lalong hinigpitan ni Chanyeol ang pagkakahawak sa collar ni Jinsu. "Alam mo ba kung anong ginawa mo ha?! Alam mo ba ang pagka-hayop na ginawa mo?!"

"BITAWAN MO AKO!" sigaw ni Jinsu habang nagpupumiglas sa hawak ni Chanyeol.

Pero hindi nagpatinag si Chanyeol. Mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya kay Jinsuat tinitigan ito sa mata. "Kung hindi lang dahil sayo, masaya na sana ako ngayon."

Bigla namang napatingin si Dara sa sinasabi ni Chanyeol.

"We could have started our relationship.."

Napangisi si Jinsu. "Kuya, nababaliw ka na ba? HA?!"

Sinapak naman ni Chanyeol si Jinsu. "Ikaw.. Kasalanan mo 'to. Kasalanan mo ang lahat! You messed up everything!" hinihingal na sabi ni Chanyeol. "BAKIT? BAKIT MO GINAWA IYON? BAKIT MO SIYA PINATAY?! SUMAGOT KA!! SAGOT!!" Umiiyak na sigaw ni Chanyeol habang niyuyugyog si Jinsu.

Napanganga naman si Jinsu. "Ano bang sinasabi mo?"

"Siya yung babaeng gusto ko."

"You Bullshit!" tinulak naman ni Jinsu si Chanyeol. "Isn't it you who killed her? IKAW YUN! IKAW YUNG PUMATAY SA BABAENG IYON!" sigaw ni Jinsu at nagdabog. "AIIISH!!"

Natulala naman si Chanyeol at ganun din si Dara at yung mga pulis.

Lumapit naman si Jinsu kay Chanyeol at hinila ang collar nito. "You messed it up. Naiintindihan mo?!"

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now