Part Eight

117 4 0
                                    

Chanyeol's POV

"I'm Sorry. Kailangan ko po kasi itong ibalik sa may-ari." pagpapakiusap ko sa lola. Kinuha ko nga pala ulit yung yellow flowers na dineliver ko dito last time.

Dumiretso ako sa ilog kung saan ako nahulog noon. Tinakbo ko lang ito dahil malapit lang naman. Napahinto ako sa pagtatakbo ng makita ko si Dara.

Siya yung bumubuhay sakin. Paano ko naman siya makakalimutan?

Oo, medyo nakakaalala na ako ngayon.

Lalapit sana ako sakanya para ibigay yung flowers ng mapansin kong may shadow ng isang tao sa likuran ko. Agad-agad akong tumalikod at sinugod yung taong yun!

Pumatong ako sakanya para hindi siya makatakas. Inalis ko yung cap niya.

O_O

"Kuya!"

Huh?

"Kuya! Anong ginagawa mo sa ibabaw ko? Ako ito! Si Jinsu!"

Jinsu? Siya ba yung kapatid ko?

Umalis na ako sa ibabaw niya at tumayo naman siya para magpagpag ng damit niya. "Sinusundan ka ba ng mga police?"

Ano bang pinagsasasabi niya?

"Kuya, ano bang iniisip mo? Bakit lumalapit ka sa mga pulis? Bakit ka tumatago saakin?"

Napalunok ako. "Uhmm.. Aren't you on leave?"

"Anong sinasabi mo? Anyare sayo, kuya? Urgh.. Fine. Kahit na hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa mga nakaraan na araw, kailangan mong malaman ito.."

Malaman ang alin? Bakit ba parang kabadong-kabado ang kausap ko?

"Ako ang suspect ng isang murder case." tinuro niya ang sarili niya. "Tinatrack ako ng mga pulis ngayon. Kuya! Kung makukulong ako ngayon, paano na ako? Yari ako!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.. Siya? Siya yung..

"Magkunwari ka na lang na walang nangyari nung araw na yun. Sikreto lang natin yung dalawa. Okay?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Kung magkukunwari tayo, magiging normal lang ang buhay natin. Kuya, naiintindihan mo ba?"

Hindi ako nakasagot.. Siya ba talaga yung..

"Magsalita ka nga!" kwinelyuhan niya ako.

May narinig naman akong siren ng police cars.

"Shit." sabi niya. Lumapit siya sa may tenga ko. "Tandaan mo yung mga sinabi ko. Kapag may ginawa kang kalokohan, we're both dead!" binitawan niya na ako at tumakbo na siya papalayo.

Hindi ako nakagalaw. Napako ako sa kinatatayuan ko.

Hindi kaya, siya yung murderer ni Dara? Yung kapatid ko? Siya ba?

* * *

Umuwi ako at dumiretso sa mga drawers ko. Siguro may mga pictures kami dito nung kapatid kong si Jinsu.

Meron kaming picture na nasa swing, slide.. Siguro sa playground ito? Close pala kami dati?

Pero, bakit niya nagawang pumatay ng isang tao?

Tinignan ko yung likod ng picture, Chanyeol and Jinsu.. Together forever at the orphanage.

Orphanage? Orphan lang kami?

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now