Part Nine

99 4 0
                                    

Chanyeol's POV

"Plano ko sanang tawagan ka.. Si Jinsu, nandito siya noong nakaraang araw. Mukhang uneasy nanaman siya." kumunot yung noo ni Aling Flor. "Gumagawa nanaman siguro ng problema si Jinsu, diba? Narinig ko na tinatrack siya ng mga police." bumuntong hininga siya. Napayuko naman ako. "Sana hindi masyadong mabigat yung ginawa niya. Kailan kaya siya matututo na mag settle down at magkaroon ng maayos na buhay?"

Hindi ako sumagot. Wala akong maisasagot, actually. Madaming gumugulo sa isipan ko.

Hinawakan ni Aling Flor ang kamay ko. By the way, siya yung may ari ng orphanage. "Alam kong nahihirapan ka.. Pero kailangan mo ring alagaan si Jinsu. Saiyo siya umaasa para mabuhay. Ang pagiging magkapatid ay hindi lang sa dugo, kayo na lang dalawa ang magkapamilya ngayon."

* * *

Pumunta ako sa bahay ni Dara..

Yung tatlong tao na nandito noon.. The victim, The witness, and The murderer.

Ano ba ang eksaktong ipinangako ko noon sa kapatid ko?

Paano ba ako nabuhay noong naganap ang kasong iyon?

Binuksan ko yung pinto ng bahay at pumasok ako roon..

May dugo at corpse mark pa rin rito at nakakalat pa rin yung mga regalong nakita ko noon.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay niya, sakaling may maalala ako..

Napako ang tingin ko sa salamin ng may maalala ako..

Nakikita ko si Dara na nakalupasay sa sahig habang hawak-hawak ang tiyan niyang may dugo..

Nanlumo ang tuhod ko sa nakikita ko..

Lumuhod yung murderer para kunin yung kutsilyong sinaksak niya kay Dara.. Tumayo siya at inalis yung mask na tumatakip sa bibig niya..

O_O

Jinsu?!

"Kuya, sikreto lang natin 'to ha."

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now