Part Six

129 6 0
                                    

Chanyeol's POV

"Tinawagan kita para ideliver mo 'to." sabay lapag ng isang basket ng yellow flowers sa table nitong matabang babae. Siya yung nagbabantay sa flower shop ni Dara at siya rin yung nakakilala sakin sa funeral. "Inoorganize ko yung flower shop ngayon.. Hindi ko nahalatang sobrang busy ko na pala ngayon.. Ngayon ko lang nakita itong basket ng flowers eh." malungkot na sabi niya.

Napalingon naman ako kay Dara na ngayon ay nakasimangot.

"Alam kong napakabilis ng mga pangyayari.. Please.. sana matulungan mo akong mapadala ang mensaheng 'to sa iba.." maluha-luhang sabi niya. "Sabihin mo sa iba na.. itong flowers na 'to, ang last piece na ginawa niya sa flower shop na ito.." bigla naman siyang nag-walkout dahil mukhang hindi niya na mapigilan ang iyak niya.

* * *

Pumunta ako sa isang home-for-the-aged..

Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang mga matatandang nagtotongits.. "Hello po." bati ko habang dala ang basket ng flowers.

Sabay sabay naman silang lumapit sakin at kinuha yung basket..

"Grabe! Tagal ko na 'tong hinintay.."

"Buti nakarating eh.. Ang ganda!"

Masayang sabi nila. Pwede muna umusyoso? "E-Excuse me po.. Kilala niyo po ba yung nagpadala sainyo ng flowers na 'to?"

Natawa naman sila sa tanong ko. "Malamang, ikaw!" sabay-sabay nilang sigaw.

Natawa naman ako. "Hindi po.. Hahaha hindi ako. Ang tinutukoy ko po ay.. kung sino yung nag-regalo sainyo nito? Delivery man lang po ako."

"Why are you taking it seriously?" paguusyoso rin ni Dara habang nagtitingin-tingin sa mga pictures sa bulletin.

Kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya. Ano bang sinasabi ng multong yun?

"Gusto nga naming malaman kung sino siya eh.. Kung wala siya, kaming mga matatanda ay hindi na makakatanggap ng mga flowers pa." sabi ni lola.

Aalis na sana ako ng tawagin ako ng isa pang lola. "Young man, yung gumagawa ng flowers na 'to? Maganda siya diba?"

"P-Po?"

"Gusto mo siya diba? Yung taong nagsusulat ng mga love letters ay mas higit na inlove kesa sa isa. Ganyan ang totoong love story."

Napatingin naman ako sa busyng-busy na si Dara na tumitingin sa bulletin board.

It's Okay, I'm Just A GhostWhere stories live. Discover now