Tula #2

92 6 0
                                    

"Mahal kita, pero tama na."

Mahal kita, pero tama na.
Kailangan ko nang imulat ang aking mga mata.
At kailangan ko na din ilakad ang aking mga paa.
Para tuluyang malimutan na kita.
Masyado na siguro akong nagpaka-tanga.
Kaya nalimutan ko nang maging masaya.
Siguro nga tama talaga sila.
Tama sila, at dapat na akong magsaya.
Tama sila, at dapat kalimutan na kita.
Pero parang di ko ata magagawa.
Kasi nga mahal kita.
Mahal kita kahit may mahal kang iba.
Mahal pa rin kita, pero tama na.
Sanay naman ako nang mag-isa.
Dahil bago pa kita nakilala,
Matagal na akong nag-iisa.
Ang pinagka-iba nga lang talaga,
Sumaya ako nung nakilala kita.
Pero siguro oras na.
Oras na para kalimutan kita.
Para isipin ko naman ang sarili kong halaga.
Para malaman ko na pwede naman maging masaya,
Pwedeng maging masaya kahit ako lang mag-isa.
Siguro tama na.
Tama nang nakilala lang kita.
Sapat na siguro ang mga alaala.
Alaala na kasama kita.
Pero kailangan mo nang mawala.
Kailangan mo nang mawala sa istorya.
Sa istorya na ako ang may akda.
Kung saan buhay ko ang paksa.
Kung saan ikaw ang una kong nilikha,
Ngunit ikaw din ang unang mawawala.
Mahal kita, pero tama na.
Kailangan ko nang bumangon sa pagkaka-dapa.
Upang muling makapag-simula.
Makapag-simula nang panibagong akda.
Kung saan buhay ko pa rin ang paksa.
Pero di na kita muli pang ilalathala,
Sa mga susunod pang pahina.
Upang tuluyan kanang mawala,
At manatili nalang sa mga nakalipas na pahina.
At manatili nalang sa aking alaala.

Panaginip: A Poetry CollectionsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora