Tula #12

34 5 0
                                    

"Ako nalang sana at hindi siya."

Maniniwala ka ba?
Kapag sinabi ko sayo na mahal kita?
Malamang siguro ay bigla kang matawa.
Kasi nga alam mong magaling akong magpasaya.
Iisipin mo sigurong niloloko lang kita.
Kasi nga alam mo na mahilig lang akong magpatawa.
Kaya siguro kahit seryoso ako di mo mahalata.
Kasi nga nakilala mo akong mahilig magpatawa.
Kaya malamang di ka talaga maniniwala.
Kahit na sabihin kong mahal kita.
Baka nga kahit ulitin ko pa,
Lagi mo lang ibabalewala.
Kasi nga sa ganon mo ako kilala.
Sa palaging masaya,
Kahit na maraming problema.
Pero minsan naisip mo rin kaya?
Na seryoso talaga ako nung sinabi ko na mahal kita.
Naisip mo rin kaya?
Na kaya lang ako tumawa ay para di mapahiya.
Naisip mo rin kaya?
Na nasaktan ako pero di ko pinahalata.
Kasi nga mahal kita.
Iniisip ko na ano kayang pakiramdam kung ako siya?
Ano kayang pakiramdam na ako ang iniisip mo at hindi siya?
Anong pakiramdam na ako ang kasama mo at hindi siya?
Anong pakiramdam na ako ang mahal mo at hindi siya?
Ako nalang sana at hindi siya.
Siguro malamang sobrang saya ko na.
Mas masaya pa sa una mong pagkaka-kilala.
Sa totoo lang bagay naman kayong dalawa.
Hindi ko yon pwedeng ikaila.
Kaya di ko na rin pwedeng ipagpatuloy pa.
Itong aking nadarama.
Kasi nga alam kong may mahal kana.
Kaya dapat akong maging masaya.
Kasi nakilala pa rin kita.
Kahit na may mahal kanang iba.
Di ko naman pwedeng agawin ka.
Kasi magka-iba naman tayo nang nadarama.
Kaya maghi-hintay nalang ako hanggang kaya ko pa.
Hanggang sa araw na pareho na tayo nang nadarama.

Panaginip: A Poetry CollectionsWhere stories live. Discover now