Tula #6

36 5 0
                                    

"Akala ko ikaw na."

Pakiramdam ko ikaw na.
Ikaw na ang magbi-bigay sa buhay ko nang saya.
Ikaw ang magmu-mulat nang aking mga mata,
Upang ang katotohanan ay aking makita.
Sa umpisa palang alam ko na ikaw na talaga.
At hindi ako pwedeng magka-mali pa.
Siguro nga ay mahal na kita,
Kaya wala akong pake sa sinasabi nang iba.
Kasi ang alam ko ikaw na talaga.
At ang sinasabi nang puso ko ay ikaw talaga.
Kaya wala akong ibang magagawa,
Kasi sayo ko ito nadama.
At di ko naman kayang pigilan pa,
Kasi kusa ko itong nadama.
Mahal na mahal kita.
Mahal na kita bago mo pa ako makilala.
Pero pinipigilan ko lang talaga itong aking nadarama.
Kasi alam ko na may mahal kang iba,
Kaya masaya na ako na masaya ka sa kanya.
Kaysa makita kitang lumuluha't nag-iisa.
Kaya susuportahan nalang kita.
Kahit na sa loob ko ay sobrang sakit na.
Kasi nga mahal kita.
Mahal kita kahit nagmu-mukha akong tanga.
Mahal kita kahit nagmu-mukha akong katawa-tawa.
Mahal kita kahit nagmu-mukha akong kontra-bida.
Kontra-bida sa iyong istorya,
Na pipiliting agawin ka.
Pero hindi ko naman magawa.
At hindi ko naman gagawin talaga.
Kasi ayokong masabing akin ka,
Pero sa loob mo hindi ka naman masaya.
Akala ko ikaw na.
Akala ko ikaw na talaga.
Pero may mahal ka kasing iba,
Kaya wala akong magagawa.
Gustuhin ko man pero hindi talaga,
Kasi hindi ka naman magiging masaya.
Kaya masaya na akong nakikita kang masaya.
Kasi pati ako nagiging masaya.
Sa tuwing nakikita kitang nakatawa,
Ang pakiramdam ko ay gumagaan na.
Mahal na mahal talaga kita.
Pero siguro nagka-mali lang ako nang akala.
Kaya ngayon ako'y nagdurusa,
Sa pag-ibig na hindi ko naman ginustong madama.
Akala ko pwedeng maging tayong dalawa.
Akala ko lang pala talaga.

Panaginip: A Poetry CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon