Tula #7

41 5 0
                                    

"Kulang pa ba?"

Kulang pa ba?
O nakahanap kalang talaga nang iba?
Sana di mo na pinatagal pa.
Sana sa umpisa palang hindi mo na ako minahal pa.
Edi sana hindi tayo nahihirapang dalawa.
Teka teka teka...
Nahihirapan ka ba talaga?
O sinabi mo lang yan para mag-mukha akong tanga?
Kasi nga naman diba,
Napilitan kalang talaga.
Hindi naman talaga ako ang mahal mo mula sa umpisa.
Kaya sana hindi mo na pinatagal pa.
Edi sana pati ako masaya na,
At di na rin sana ako nahihirapan pa.
Pero wala naman na akong ibang magagawa pa.
Kun'di ang tuluyang palayain ka.
Kasi kahit na ayaw ko pa,
Wala naman akong magagawa kung ayaw mo na.
Kasi malamang naka-hanap ka na.
Kaya ako balewala na.
Pero salamat na rin pala.
Sa mga masasaya,
At sa masasakit na alaala.
Pero wag kang mag-alala.
Maka-kalimutan din naman kita.
Pero sayang lang talaga.
Kasi minahal kita nang sobra.
Di ko alam kung nakita mo ba.
Pero ang mahalaga,
Kahit na may mahal kang iba.
Ay ginawa ko ang aking makakaya,
Para ikaw ay mapasaya.
Di ko alam kung kulang ba.
O sadyang nakulangan ka lang talaga.
Sa pagma-mahal na aking pinadama,
Tila yata di mo nadama.
Mukha ata di ka naging masaya.
Kaya naghanap ka nang iba.
Pero masaya na akong makita kang masaya.
Sana lang mahalin ka din niya.
Tulad nang pagmamahal mo sa kanya.
At sana pareho kayong maging masaya.
At yung mga pangako mo nung tayo pa,
Tuparin mo sana lahat sa kanya.
Pero siguro paalam na.
Salamat ulit sa masasayang alaala.
Pati na rin sa oras mo para ako ay mapasaya.
Sana lang kahit konti napasaya din kita.

Panaginip: A Poetry CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon