Tula #11

29 5 0
                                    

"Paglipas ng Ulan"

Paglipas ng ulan.
Sabay natin babalikan.
Ang mga daan na nalampasan.
Patungo sa kung saan.
Babalikan natin ang nakaraan,
Na kung saan ang simula ay ating winakasan.
Kung saan ang masasaya ay napalitan ng kalungkutan.
Kung saan ang mga ulap ay binalot ng kadiliman.
Kung saan ang direksyon natin, ay nawalan ng patutunguhan.
At kung saan ako'y iyong iniwan
Iniwan ng walang dahilan.
Iniwan sa basang daan sa gitna ng kawalan.
Habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Na kahit ang mga sasakyan ay hindi makadaan.
At doon,
At doon ako'y iyong iniwan.
Iniwang nag-iisa at basa sa ulan.
Na kung saan ay walang makakapansin na kahit sinong dumadaan.
At ako, ay nasa gitna ng daan.
Umaasa na babalikan,
Umaasa na ika'y muling mahagkan,
At ikaw ay muling mahalikan.
Paglipas ng ulan,
Sabay nating babalikan.
Ang mga daan na nalampasan.
Patungo sa kung saan.
Kung saan una kitang hinalikan,
Sa itaas ng bubungan.
Sa ilalim ng mga bituin at buwan.
Habang tayo ay nakatingin,
Sa dulo ng walang hanggan.
Habang ating binabalikan,
Ang masasayang nakaraan.
At ng mga oras na iyon,
Doon natin sinimulan.
Ang pag-ibig na walang hanggan.
Na kung saan walang pwedeng humadlang,
Na kahit na sino pa man.
At napagtanto ko rin,
Na ang mga ulap at karagatan.
Ay pwede palang pagtagpuin.
Paglipas ng ulan.
Aking muling binalikan.
Ang daan na ating nilampasan,
Patungo sa katapusan.
At doon,
Muli kong binalikan,
Ang mga alaala ng nakaraan.
Kung saan una tayong nagkatinginan,
At kung saan mo rin ako iniwanan.
Paglipas ng ulan.
Akin ng winakasan,
Ang ating nakaraan.
At ako'y naglakad sa kawalan,
Nang nag-iisa sa daan.

Panaginip: A Poetry CollectionsWhere stories live. Discover now