Tula #13

34 5 0
                                    

"Tula sa mga manunula."

Paubos na ang tinta,
At malapit nang mapuno ang mga pahina.
Paubos na ang aking mga luha,
Pero di pa din ako tumatayo sa pagkaka-dapa.
Paulit-ulit na ang mga letra,
Na ginagamit sa pagsa-salita.
Paulit-ulit na ang mga salita,
Na ginagamit ko sa aking mga tula.
Patapos na sila,
Pero ako di pa nagsi-simula.
Naka-bangon na sila,
Pero ako nanatiling naka-higa.
Palaging naka-tanga.
Palaging naka-tulala.
Iniisip ang bagong ilalathala,
Para sa mga susunod na pahina.
Iniisip ang sariling halaga,
Na hindi makita nang iba.
Iniisip ang masasaya,
Kahit nahihirapan na.
Iniisip na palaging may kasama,
Kahit palaging mag-isa.
Sinusulat ang nadarama,
Dahil di kayang ipagsabi sa iba.
Iniisip na may halaga,
Kaya nananatiling humihinga.
Hindi magaling mag-salita,
Kaya idinadaan sa tula.
Natatakot magpakilala,
Dahil palaging napapahiya.
Nagtatago sa lungga,
Para walang makakita.
Pinipikit ang mga mata,
Palaging may dinadama.
Mga masasayang alaala,
Na sa isip lang nalilikha.
Ubos na ang tinta,
At puno na rin ang pahina.
At handa nang muling magsimula,
Nang panibagong akda.
At muling magpapa-kilala,
Nang hindi na nahihiya.
At imumulat na ang mga mata,
Upang ang katotohanan ay makita.
At magsu-sulat nang panibagong akda,
Na panibago din ang paksa.
At lalabas na sa lungga,
Nang walang takot sa mga mata.

Panaginip: A Poetry CollectionsWhere stories live. Discover now