Tula #4

56 5 0
                                    

"Di na ako muling luluha pa."

Di na ako muling luluha pa.
Di na rin kita muling iisipin pa.
Siguro nga ay masaya ka na,
Kaya bakit guguluhin pa kita?
Baka nga hindi mo na ako naalala,
O baka naman kaya ay di mo na ako kilala.
Kasi nga ikaw ay masaya na.
Masaya sa tuwing kasama mo siya.
Mas masaya kesa nung tayo pang dalawa.
O baka di ka naman talaga naging masaya,
Kahit na nung tayo pang dalawa.
Ako lang ata ang nag-isip na masaya ka,
Kasi nga ngumingiti ka.
Pero siguro tanga lang ako talaga.
Kasi di ko nakita simula sa umpisa,
Na hindi ka naman talaga masaya.
Pasensya kung nasaktan man kita.
Pero mas nasasaktan ako sa'ting dalawa.
Kasi nga hindi mo ko minahal talaga.
Dapat na sigurong pakawalan kita.
Kahit na masakit at pagsisihan ko pa.
Ito lang naman kasi ang paraan at wala nang iba.
Para ikaw ay tuluyan nang maging masaya.
Kahit na ako'y masaktan pa.
Ang mahalaga ikaw ay masaya.
Dahil wala naman talaga akong hiniling pang iba,
Kun'di makita kang masaya.
Kaya kung ang paglayo ko ang iyong ikakasaya,
Wag kang mag-alala kasi gagawin ko na.
Ayoko kasing nakikitang nahihirapan ka.
Ayoko rin makitang nasasaktan ka.
At ayoko na rin mag mukha pang tanga.
Lalo na sa harap nang iba.
Pero ang maipagma-malaki ko lang talaga.
Ay yung naging akin ka,
Kahit na pansamantala.
Siguro nga mahal talaga kita.
Kaya mahihirapan ako na kalimutan ka.
Okay na rin siguro to kaysa mag mukhang tanga.
At least alam ko na magiging masaya ka na.
Kaya siguro paalam na.
Salamat na rin sa ating mga alaala.
At di na rin ako, muling luluha pa.

Panaginip: A Poetry CollectionsWhere stories live. Discover now