Tula #9

29 5 0
                                    

"Bakit pag ikaw?"

Heto ka nanaman.
Muling nagpaparamdam.
Di ko alam kung anong dahilan.
Di ko alam kung para saan nanaman.
Pero siguro malamang,
Ikaw ay muling nasaktan.
Kasi nga naman.
Bigla mo lang ako natatandaan,
Pag kailangan mo nang maiiyakan.
O di naman kaya pag wala kang mapagpipilian.
Pero heto ako nanaman.
Umaasang muling hahalikan.
Umaasang muli kang mahagkan.
Umaasa na muli mong balikan.
Pero muli mo nga akong binalikan.
Yun ngalang kasi ikaw ay may kailangan.
Kailangang iyakan.
Kailangan nang pagsasabihan.
Kailangan nang pagdadramahan.
Pero bakit sa akin nanaman?
Bakit pag ikaw ang nasasaktan,
Pati ako nasasaktan?
Pero heto ka nanaman.
Para muli akong iyakan.
Pero handa pa rin akong ikaw ay damayan.
Kahit na palagi mo akong sinasaktan.
Di ko lang talaga maintindihan.
Bakit pag ikaw hindi ko mahindian?
Samantalang yung iba lagi kong tinatanggihan.
Pero bakit pag ikaw kahit lagi akong nasasaktan,
Ay hindi ko magawang talikuran?
Sabi ko sa sarili ko dapat na kitang kalimutan.
Pero bakit lalo akong nahihirapan?
Bakit naman kasi muli kapang nagparamdam?
Kung saan pawala na itong aking nararamdaman.
Kung saan malapit na kitang makalimutan.
Kung saan malapit na kitang talikuran.
Pero heto ka nanaman.
Muling nagpaparamdam.
Kung kelan pilit ko nang kinakalimutan.
Ang ating nakaraan.
Kung saan ako'y iyong sinaktan.
At di mo na muling binalikan.
At iniwan mong luhaan.
Habang ang puso ko'y sugatan.
At mabilis mo akong tinalikuran.
At tuluyan mong kinalimutan,
Ang ating nakaraan.

Panaginip: A Poetry CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon