Tula #10

34 5 0
                                    

"Panaginip"

Nakita kita.
Sa pagpikit ng aking mga mata.
Ang iyong mukha ay sobrang ganda.
Di ko lubos maisip kung bakit kasama kita.
Ang kulay ng iyong labi ay natural na pula.
Wala kang kolorete sa iyong mukha.
Pero bukod tangi ka sa aking mga kilala.
Ang iyong ganda ay nakakaakit talaga.
Hindi ko iyon pwedeng ikaila sa iba.
Ayon nga lang sa panaginip lang kita nakita.
Kaya pagmulat ng aking mga mata.
Agad kong inilathala sa mga pahina.
Ang mga pangyayari na aking naalala.
Mga alaala na magkasama tayong dalawa.
Mabilis kong isinulat at walang bura.
Dahil hindi ako pwedeng magkamali pa.
Dahil tandang-tanda ko ang mga eksena.
Na parang isang pelikula.
Na sa una ay masaya.
Pero sa dulo ay bigla kang mawawala.
Pero wala akong magagawa.
Kasi nga ikaw ay kathang isip lang na nalikha.
At muli kong ipinikit ang aking mga mata.
Para di kita makalimutan at muli kong madama.
Ang mga sandaling nakita kitang masaya.
Ang mga sandaling magkasama tayong dalawa.
Sa paraiso na utak ko ang may likha.
At muli kong naalala ang iyong mukha.
At wala akong ibang nagawa kun'di ang matulala.
Sa iyong mukha na parang napakaamong bata.
At ang bawat sandali na tayo ay magkasama.
Muling bumabalik sa aking alaala.
At ang tono nang iyong pananalita,
Sa isip ko gumugunita.
Tila yata ikaw ay kakaiba.
Sa lahat nang babaeng aking nakilala.
Pero malabo na atang maulit pa.
Ang isang panaginip na nagpa-paalala.
Sa mga sandaling tayo ay magkasama.
Na tila yata di na mauulit pa.
Kahit na ipagpilitan ko pa.
O kahit na ipanalangin ko pa.
Pero salamat sa sandaling tayo ay magkasama.
Naranasan ko muling maging masaya.
Hindi ka na siguro mawawala,
Sa aking alaala.
Sana muli pa kitang makita,
Kahit na sa panaginip na lang talaga.

Panaginip: A Poetry CollectionsWhere stories live. Discover now