Tula #8

31 5 0
                                    

"Kaibigan lang talaga kita."

Kamusta kana ba?
Gusto ko lang malaman mo na iniisip kita,
Kahit na sinasabi nang utak ko na tama na.
Alam kong ayaw mo kong makausap at makita.
Kaya siguro dapat na akong masanay na wala ka.
O siguro dapat kalimutan na din kita.
Pero mukhang hindi ko ata kaya.
Kahit na kaibigan lang kita,
Para sa akin ikaw ay mahalaga.
Kaya kahit na ako'y ipagtabuyan mo pa,
Hindi ka makakarinig sa'kin nang kahit anong salita.
Tatanggapin ko kahit na masakit pa.
Basta ang mahalaga makita kitang masaya.
Kahit na hindi ako ang iyong kasama.
Kahit na makahanap ka nang iba.
Kasi wala naman akong ibang magagawa.
Kasi nga magkaibigan lang tayong dalawa.
Kaya kahit masakit ay wala akong magagawa.
Kun'di tanggapin nalang talaga.
Malayo ka na.
At ako? Kakalimutan mo na.
Pinagtatabuyan mo pa.
Pero para saan pa ba,
Kung hahabulin pa kita.
Kung hindi kanaman masaya.
At masasaktan lang kita.
Kaya okay na sigurong malayo ka.
Di ka naman siguro mag-isa.
Kaya malamang ikaw ay masaya.
Pero kung sakaling ako'y iyong maalala.
Handa akong tanggapin at muling kausapin ka.
Kahit na nasaktan mo ako nang sobra.
Kasi nga kaibigan kita.
Kaibigan lang talaga kita.
At di na ako naghahangad pa nang iba.
Makita at makausap lang kita ay ayos na.
Makakalimutan ko na ang lahat nang problema.
Kasi nga ikaw sa akin ang nagpapasaya.
Kahit na hindi mo yon nahahalata.
Pero siguro dapat nalang akong matuwa.
Kasi nabigyan ako nang pagkakataong makilala ka.
Kahit na sa maikling panahong tayo ay nagkakilala,
Alam ko naman na napasaya kita.
Kaya siguro tama na.
Tama na at di na kita kukulitin pa.
Sana lang tuluyan kanang maging masaya.
At  sana ako'y iyong muling maalala.
Kahit na sa panaginip ako sana'y iyong mabisita.

Panaginip: A Poetry CollectionsWhere stories live. Discover now