PROLOGUE

46.7K 819 33
                                    

SCHOOL MATES noon sina Mary Grace at Keith bago lumipat ng ibang university ang binata. Yeah, four years ang age gap nila. First year high school lang noon si Mary Grace ng makita niya si Keith na College freshman. Sumali ito sa pageant ng university kung saan magkakatunggali ang representatives ng bawat college. At kasali ang high school department sa pageant na siya naman ang babaeng representative. First year high school lang siya pero di maipagkakaila ang taglay niyang ganda. She looked matured for her age, at sa edad na 13 ay mukha na siyang college student. Mula sa hubog ng katawan niya, sa natural na ganda ng mukha, at 5’6” na height, di mo iisiping first year high school lang siya. Mapapansin talaga kaagad siya kompara sa mga ka-edaran niya. At doon nga nagsimula na mapansin siya ng binata. Si Keith ang nanalo sa mga lalaki at siya naman ay first runner-up sa mga babae. Laking gulat na lang niya na lagi na siyang sinusundan at kinukulit ng binata. Hindi niya ito masyadong pinapansin dahil kilala itong playboy. At hello? Ang layo ng age gap nila?

Ano naman kaya ang trip ng kuyang ito at ako ang kinukulit samantalang andaming magagandang ate sa college?

KILALA NA noon si Keith sa school. Habulin ba naman ng kababaihan pati kabaklaan sa campus. Guwapo ito, matangkad, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Halata din sa mukha nito na hindi ito purong pilipino.17 lang noon si Keith, panganay na anak ng isang businesswoman. Wala na siyang ama kaya siya ang naging father image sa bunso niyang kapatid na si Keifer. At dahil sa pageant na yun, hindi na niya makalimutan ang representative ng high school department. Pagkatapos ng pageant na yon ay lagi na niyang pinapansin ang dalaga ngunit hindi siya nito masyadong pinapansin kaya mas lalo niya itong kinukulit. Di nagtagal ay bumigay din ang dalaga at pinapansin na siya. Mahigit isang taon din silang naging magkaibigan bago niya ito niligawan. Pinalipat siya noon ng mama niya sa mas malaking university pero pinagpatuloy pa din niya ang panliligaw ky Mary Grace. At mahigit isang taon din ang panliligaw niya bago siya nito sagutin.

HINDI maipinta ang mukha ni Mary Grace habang tinititigan ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test na hawak niya. She’s only 16 for pete’s sake! Ga-graduate pa lang siya ng high school. Pero nandito na 'to, wala na siyang magagawa. Isang malaking pagkakamali ang ginawa niya pero hinding-hindi niya idadamay ang namumuong buhay sa sinapupunan niya. Ang problema lang eh kung paano niya ito sasabihin sa mga magulang niya? Ni hindi pa nga siya nakaapak sa legal na edad pero heto at magiging ina na siya. At hindi alam ng mga ito na may kasintahan siya at mahigit isang taon na sila. Mahigpit na bilin ng mga magulang niya na bawal pa sa kanya ang pumasok sa isang relasyon dahil bata pa siya at unahin ang pag-aaral.

Nanginginig ang kamay at hilam ng luha ang mukha na tinawagan niya ang kanyang kasintahan na si Keith, Fourth Year Business Management student ito sa isang malaki at pribadong unibersidad. Nakaka-isang ring pa lang ay sinagot nito agad ang kanyang tawag.

“Hello My!” Masayang sagot ng kasintahan.

“Ahm..Dy, kita tayo mamaya after ng klase mo? Okay lang ba?” pigil niya ang iyak pero nahahalata pa rin ito ng kasintahan sa kabilang linya.

“May problema ba? Ba’t ka umiiyak? At nasaan ka?” nag-aalalang sagot nito sa kanya.

“Dito pa ko sa bahay, aalis na rin ako papuntang school. Okay lang ako. Basta mamaya kita tayo ha? Importante lang Dy, kaya sa personal ko sasabihin.” Napasinghot siya habang pinapahid ang mga luhang nahuhulog sa mga mata niya.

“Sige. Sunduin na kita sa school mo mamaya. Wag ka ng umiyak, tama na yan. Okay?” anang kasintahan sa malambing na boses na parang inaalo siya.

“Okay, Dy. See you later.” Aniya habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.

“My?” wika ng kasintahan niya na hindi pa ibinaba ang tawag.

“Hmm?”

“I love you.” Malambing ang boses nito at nahahalatang nakangiti ito ngayon kung magkaharap lang sila.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon