CHAPTER 12

18.3K 448 6
                                    

“DITO DI BA?” Tanong ni Keith kay Mary Grace habang minamaniobra ang kotse sa isang eskinita.

“Dito mo lang i-park.” Mahinang sagot nito. Bakas sa mukha nito ang kaba.

Naka-park na ang kotse niya di kalayuan sa bahay ng magulang nito. Lalo itong kinabahan nang pinatay na niya ang makina ng kotse.
Nakatingin lang ito sa gate ng bahay habang nasa loob pa sila ng kotse.

Hinawakan niya ang kamay nito. Nanlalamig ito sa sobrang kaba. “Hey. It will be fine. Chill.”

Napalunok ito. “Sana nga. Kinakabahan lang ako.”

“Hindi pa po ba tayo bababa?” Tanong ng anak nila na nasa back seat.

Huminga ng malalim si Mary Grace. “Let’s go.”

Sabay silang tatlo na bumaba ng kotse. Hawak niya ang kamay ng mag-ina niya. Maging siya, kinakabahan na din nang nasa tapat na sila ng gate.

Akmang pipindutin na nito ang doorbell nang may tumawag dito.

“Ate?”

Mabilis nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses.

“Mary Joy..” Sambit ni Mary Grace.

“Ate!” Inilanghakbang nito ang pagitan nila ni Mary Grace at nagyakapan ang mga ito ng mahigpit habang parehong hilam ng luha ang mga mata.

“Hope!” Tawag nito sa isa pa nilang kapatid na lumabas mula sa isang boutique di kalayuan. “Hope! Si Ate Grace!”

“Oh my god.” Mukhang nagulat ito at mabilis na naglakad patungo sa mga kapatid. “Ate..”

“Hope.” Tinitigan nito ang kapatid. “Ang laki mo na.”

“Ate..” Umiyak na din si Hope at yumakap sa ate nito.

Nagyakapan ang tatlo habang umiiyak nang biglang napabaling sa kanya si Mary Joy. Ito ang kapatid ni Mary Grace na nakakita sa kanya noon na akala nila ay magsusumbong sa papa ng mga ito. Buti na lang, hindi ito nagsumbong.

“So, kayo pala talaga ang nagkatuluyan?” Napabaling ito kay Kei na nakayakap sa beywang niya. “Ahm- Hi?” Bati nito sa anak nila.

“Hello po.” Balik-bati ng anak niya.

Inilahad niya ang kamay niya. “Hi, I’m Keith.” Nakipagkamay siya sa mga kapatid nito.

“Kei,” Tawag ni Mary Grace sa anak nila. “Ito pala si tita Mary Joy mo, at tita Mary Hope.” Bumaling ito sa mga kapatid. “Siya si Marie Kei, anak namin ni Keith.” Nagpahid ng mga luha ang magkakapatid.

Lumapit naman si Kei sa mga tita nito at hinalikan sila sa mga pisngi.

“Kamukhang- kamukha mo talaga siya, ate.” Puna ni Hope.

“Patay na patay siguro itong si Kuya Keith kay ate.” Panunudyo ni Joy na ikinatawa lang nila.

Kuya. Ang sarap n’on pakinggan. Parang welcome siya sa pamilya. At masaya siya nang makitang ngumiti si Mary Grace.

“Nasaan sina mama at papa?” Kapagkuwan ay tanong nito.

“Nasa loob. Tara. Pasok kayo.” Ani Hope.

Bumalik ulit ang kabang nararamdaman niya habang sumusunod sa mga ito papasok ng bahay.

“Ma, Pa! May bisita po kayo!” Sigaw ni Joy nang makapasok sila sa sala.

“Ang ingay-ingay mo na naman Ligaya.” Anang boses ng lalaki na kakalabas lang ng kwarto at natigilan nang makita sila. “Grasya? Anak..”

“Pa..” Humagulgol ng iyak si Mary Grace at lumapit sa papa nito at yumakap ng mahigpit. “Papa. Sorry po. Patawarin niyo po ako, papa. Sorry po.” Sunod-sunod na paghingi nito ng tawad.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Where stories live. Discover now