CHAPTER 13

18.2K 417 10
                                    

“BAKIT KASI hindi mo na lang pakasalan ang nanay niya?” Magkasalubong ang kilay na tanong ni Thunder kay Keith. Kinausap niya kasi ito tungkol sa pagpalit ng apelyido ni Kei.

Napabuntong-hininga siya. “Hindi pa pwede.”

“Ayusin mo muna kasi ang gusot mo, kuya. Noon ko pa sinasabi sa'yo yan eh. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.” Suhestiyon ni Keifer.

Nasa HD Bar siya ngayon na pag-aari ni Heineken kasama ang ibang kaibigan niya. Nagkuwento na siya sa kanila ng lagay niya. Nahihirapan na din kasi siya.

“I will. Kaya nga nandito ‘tong si Thunder ‘di ba?” Naiinis na sagot niya.

“Paano kung bigla 'yon umuwi dito at magkita sila ni Mary Grace? Malaking gulo ‘yon.” Ani Andre.

Napailing si Paul. “Bakit ka ba kasi pumayag sa gusto ng babaeng ‘yon eh.”

“Hindi ako pumayag. Nagulat nga ako at naka-pirma ako d’on eh.” Iritado niyang sagot.
 
Jared tsked. “Kausapin mo kaya si Mary Grace sa bagay na ‘to. I mean, let her know. Karapatan niyang malaman ‘yon.”

Marahas siyang umiling. “No, baka lumayo siya sa’kin. Hindi ko kayang lumayo pa ulit sa’kin ang mag-ina ko.”

Mahinang natawa si Amir. “Ang gulo ng love life niyo. Buti pa ako, walang love life, kaya matiwasay ang buhay.”

“Magugulo din ng babae ang buhay mo. Just wait for it.”  Tatawa-tawang sagot ni Brent at tinapunan lang ito ng masamang tingin ni Amir.

"Di ba pupunta dito si Xandro?" Kapagkuwan ay tanong niya kay Keifer. Malapit kasi ito kay Xandro.

Keifer rolled his eyes. "Busy na 'yon sa babae. Nakakalimutan na nga yata niya na best friend niya ko." May halong pagtatampong anito.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya.

Mrs. Bernardo calling…

“Hello, My!” Masiglang bati niya at kaagad na nalukot ang mga mukha ng mga weird niyang mga kaibigan at umaktong nasusuka.

“Saan ka? Tapos na ko dito sa office. Sunduin na natin si Kei.” Mabilis na sagot nito.

“Okay. Wait for me there. Pupunta na ko.” Agad niyang tinapos ang tawag at mabilis na tumayo. “Una na ko, mga bud.”

Nailing na lang ang mga ito nang mabilis siyang lumabas ng bar. Agad niyang pinaharurot ang Ferrari niya patungo sa office ni Mary Grace.

Pagdating niya, naghihintay na ito sa labas.

“Hey, beautiful. Hop in.”  Aniya nang pagbuksan niya ito ng pinto sa passenger’s seat.

“Sa labas na lang tayo maghapunan, tapos ihatid niyo na lang ako sa bahay ni Ellery.” Bungad nito sa kanya nang hindi man lang siya ginawaran ng halik.

Nakunot ang noo niya. “Okay.” He puckered his lips. “Saan ang kiss ko?”

Inirapan lang siya nito. “Drive, Mr. Bernardo. I miss my daughter already.”

Sumimangot lang siya at pinaandar na ang kotse. May dalaw ba ‘to? Ang taray yata?

Mabilis silang nakarating sa bahay ng mga magulang nito. Agad namang lumabas si Kei na malapad ang ngiti. Mukhang masaya ito na naka-bonding nito ang mga tita, lolo at lola.

At tulad ng sabi ni Mary Grace, sa labas sila naghapunan.

“Marie Kei, mag-review ka mamaya, bukas na ang exam mo. No gadgets. Maliwanag?” Bilin nito sa anak nila habang nasa biyahe sila patungo sa bahay ng kaibigan nitong si Ellery.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon