CHAPTER 21

24.3K 526 14
                                    


MASYADONG SENSITIBO sa tunog si Mary Grace mula nung nabuntis siya. Konting ingay lang, nagigising agad siya kaya madalas siyang nagiging moody.

Tulad ngayon, inaantok pa siya pero naririnig niya ang ingay ng vacuum sa sala nila.

Inis na bumangon siya at padaskol na binuksan ang pinto habang nakapikit ang mga mata.

"Mama naman ang aga niyong maglinis. Antok na antok pa ko eh." Reklamo niya.

"Ahm- umalis ang mama mo, namalengke. Kasama ang papa mo." Sagot ng naglilinis at sigurado siyang hindi iyon ang mama niya. Lalaki 'yon.

Iminulat niya ang mga mata kahit pa mahapdi pa iyon dahil inaantok pa nga siya.

"Keith? Bakit nandito ka? At bakit ikaw ang naglilinis?"

"Nanliligaw ako." Seryosong sagot nito. "Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo." Itinabi nito ang vacuum at humarap ulit sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin. "Nice breast."

Nagsalubong ang kilay niya at napatingin sa suot niya. Masyado nga palang revealing ang nighties niya. Halatang- halata nga naman ang dibdib niya kahit natatakpan iyon.

"Manyak." Aniya at tumalikod na papasok ulit ng kwarto.

Mahina itong natawa. "Nice ass." Komento ulit nito.

"Heh!!" Singhal niya at isinara ang pinto.

Mabilis siyang nagbihis at nagsalubong ang mga kilay niya. Wala na si Kei. Agad siyang lumabas at dumeretso sa kusina. Naabutan niya doon si Keith na naghahanda ng agahan.

"Nasaan si Kei?" Tanong niya at naupo sa stool ng island counter.

"Nasa boutique yata or nasa food house. Basta kasama n'on sina Hope at Joy."

Inilapag nito sa harap niya ang isang baso ng gatas, at agahan niyang fried rice at omelet. "Kumain ka na."

Umikot ito palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. "I miss you."

Nanindig ang balahibo niya dahil hinalik- halikan nito ang leeg niya. Pakiramdam niya, sinusunog ang katawan niya sa init.

Ang bilis yata niyang mag- init? Ganito ba pag buntis?

Tumikhim siya. "Nanliligaw ka pa lang. Kaya pwede ba huwag mo akong landiin."

Mahina itong natawa at pinihit paharap ang mukha niya. Hindi na siya nakapag- react nang sakupin na nito ng halik ang mga labi niya.
God! She missed his kisses!

"Good morning." Bulong nito nang maghiwalay ang mga labi nila.

"G- good morning." Nanunuyo ang lalamunang sagot niya.

Binitawan na siya nito kaya nakahinga na siya ng maluwag at nag-umpisa ng kumain.

"Kukunin ko sa kwarto mo ang labahan niyo ni Kei. Maglalaba ako." Hindi na siya nito pinasagot at nagtungo na sa kwarto niya.

Paglabas nito, dala na nito ang tray. "Saan kayo naglalaba dito?" Tanong nito sa kanya.

Napakurap- kurap siya. Hindi niya inaasahang gagawin talaga ng lalaking 'to ang ganitong paraan ng panliligaw.

Itinuro niya dito ang isang pinto na nasa kusina nila. "Diyan."

Mabilis namang pumasok doon ang binata at maya- maya pa ay narinig na niya ang ugong ng washing machine.

Madali niyang inubos ang agahan, tutulungan niya ang binata. Akmang maghuhugas na siya ng pinagkainan nang bigla iyong inagaw sa kanya ng binata.

"Ako na." Ito nga ang naghugas ng lahat ng hugasin sa lababo.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Where stories live. Discover now