CHAPTER 8

22.3K 557 17
                                    

MAHIMBING ANG TULOG ni Keith kaya magaan ang pakiramdam niya nang magising siya. Agad siyang napangiti nang bumungad sa kanya ang magandang mukha ni Mary Grace na mahimbing pang natutulog sa tabi niya.

Hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa kanila kagabi. He miss her so bad, kaya hindi na niya napigilan pang akitin ito at angkinin. 12 years din siyang nagtiis. Hindi kasi niya kayang gawin iyon sa ibang babae. Pakiramdam niya, niloloko niya si Mary Grace kapag ginawa niya iyon. At laging nasa isip niya na may anak na siya, kaya dapat magpaka-good boy siya kahit pa nga hindi pa niya alam noon kung nasaan ang mag-ina niya.

Umalis siya sa kama at mabilis na isinuot ang mga damit niyang nakakalat sa sahig at niligpit din niya ang nagkalat na damit ni Mary Grace.

Pinakialaman naman niya ang cabinet nito para maghanap ng komportable nitong damit.

Napangiti siya nang buklatin niya ang nahugot niyang damit. Daster iyon na spaghetti strap at may Mickey Mouse na design.

Maingat niyang isinuot iyon kay Mary Grace para hindi ito magising. Pagod na pagod yata ito at hindi man lang nagising habang sinusuotan niya ito ng daster. Ginawaran ito ng masuyong halik sa mga labi bago lumabas ng kwarto.

Dumeretso siya sa kusina ng bahay nito at gan'on na lang ang gulat niya nang maabutan doon si Kei. Akala niya siya pa lang ang gising.

“Good morning, Tay!“ Masayang bati sa kanya ng anak na nakaupo sa medyo may kataasang upuan ng island counter at may isang basong gatas ito sa harapan.

“Good morning, anak. Ang aga mo namang nagising.” Niyakap niya ang anak at hinalikan ito sa noo.

“Sanay po kaming nagigising ng maaga ni Nanay.” Lumingon ito na parang may hinahanap. “Si nanay po?”

Tumikhim siya. “Ahm-.. tulog pa. Napagod yata.”

“Okay po. Pagpahingahin na lang po muna natin siya. Sabado naman po ngayon, wala siyang trabaho.” Nakangiting sagot nito. “Magkakape ka po? Nag-init na po ako ng tubig sa heater.”

“Yeah. Sure.”

“Upo ka po.”

Bumaba si Kei at kumuha ng tasa. Siya naman ay umupo sa kaharap nitong upuan.

“Puro lang po kami instant coffee dito, kaya pili na lang po kayo diyan. Hindi kasi hilig ni nanay ‘yong brewed coffee.” Anito at inilapag sa harap niya ang tupperware na puno ng instant coffe na iba-iba ang brand at flavor.

Maya-maya pa ay inilapag din nito sa island counter ang thermos.

Napangiti siya sa anak. “Ganito ka din ba sa nanay mo?”

“Po? Ang alin po?”

“Ganito ka rin ba mag-asikaso sa kanya?”

“Oo naman po.” Nakangiting sagot nito at bumalik na sa pagkakaupo.

Nakangiti siya habang nagtitimpla ng kape niya. Mabuting ina si Mary Grace, at nakikita ‘yon sa ugali ng anak nila. He’s so lucky having Kei as his daughter.

“Nagsaing na din po ako sa rice cooker. Para mamaya, ulam na lang ang lulutuin ni nanay. Bawal kasi akong makialam sa stove namin kaya hindi ako makaluto ng ulam.”

“Bakit naman?”

“Kasi delikado daw po.” Anito at uminom ng gatas.

Siya naman ay tumayo at pinakialaman ang ref at cup board.

“Gusto mo ng spam?” Tanong niya sa anak nang may nakita siyang spam sa cup board.

“Opo!”

Siya na ang nagluto ng ulam. Pinakialaman na niya ang kusina ni Mary Grace. Spam, scrambled egg, at nagluto din siya ng pan cake na nakita din niya sa cup board.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Where stories live. Discover now