CHAPTER 9

22.6K 594 17
                                    

WARNING: R-18 / RATED SPG
Dahil mabait ako 😂😘

ILANG ARAW ding namalagi si Keith sa bahay ni Mary Grace. Masaya siya na nagiging maayos na ang relasyon niya sa mag-ina niya.

Kapag may trabaho naman si Mary Grace, siya ang taga hatid-sundo. Siya din ang kasama ni Kei kapag bumabalik ito sa school para mag-process ng clearance at iba pang kailangan nito. Masaya sa pakiramdam na magkaroon ng sariling pamilya.

Pero pansamantala muna itong mauudlot. Kailangan muna niyang bumalik ng Manila para magtrabaho. Labag man sa kalooban niya, uuwi muna siya. Susunod naman daw doon ang mag-ina niya. May contract signing pa naman sila ni Mary Grace sa negosyo nila at pupunta din daw ito doon sa branch niya sa Manila.

Huling gabi na niya ngayon sa bahay ng mag-ina niya. Nung nakaraang gabi, tabi silang tatlo na natulog. Ngayon, solong-solo niya si Mary Grace. Siyempre, inangkin na naman niya ito.

Pawis na pawis silang dalawa, hindi sila kinaya ng aircon. Nakaunan si Mary Grace sa braso niya at nakayakap sa beywang niya.

“My?” Basag niya sa katahimikan.

“Hmmm?”

“Hindi ka na ba galit sa akin? I mean, sa ginawa ko 12 years ago?”

“Oo nga pala. Matagal ko ng gustong itanong sayo ‘yan. Pero nakakalimutan ko. Inaakit mo kasi ako gabi-gabi.”

Natawa siya sa huling sinabi nito pero agad din iyong nawala ng magsalita ito ulit.

“Ang sakit Keith. Ang sakit kasi pinagkatiwalaan kita. Pati pagkababae ko pinagkatiwala ko sa’yo sa mura kong edad. Umasa ako na hindi mo ako pababayaan, umasa akong darating ka. Pero inabot ako ng hating-gabi doon hindi ka dumating. Takot na takot ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi pa kita ma-contact. Pakiramdam ko noon mababaliw ako. Bakit mo ginawa ‘yon?”

Parang pinipiga ang puso niya sa bawat salitang binitawan ni Mary Grace. Hindi ito umiiyak pero ramdam niya ang sakit sa tuwing maaalala nito ang nangyari noon.

“I’m sorry, My.” Niyakap niya ito ng mahigpit.

“12 years ng nakatatak sa isip ko na binuntis mo lang ako at iniwan.”

“No. Mahal kita. Handa akong panagutan ka noon.” Pinihit niya paharap sa kanya ang mukha nito at masuyo itong hinaplos.

“Nagka-emergency ako nung gabing ‘yon. Inatake sa puso si mama. Papunta na sana ako sa usapan natin ng tawagan ako ni Keifer. Kailangan daw operahan si mama, pero hindi pwedeng si Keifer ang pipirma sa consent dahil 17 lang siya noon. Nataranta ako. Kaya dumeretso ako sa ospital. Habang nagmamaneho ako tinawagan ko ang abogadong kaibigan ni papa para pumunta sa ospital. Hindi ko namalayan na masyado na palang mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Hindi ko na napansin na nasa intersection na pala ako. Nagkabanggaan kami ng isa pang kotse tapos nagising na lang ako sa ospital. 1 week na daw ako doon. Sabi ng doctor, mabuti na lang daw hindi sa side ko tumama ‘yung isang sasakyan, kung hindi, patay na sana ako. Nabalian lang ako ng buto na napagaling naman ng therapy. Pero ‘yung ribs ko sa right kulang na ng isa.”

“Oh my god.” Dumapa ito paharap sa kanya. Halatang nag-alala ito kahit pa nangyari na iyon. “What happened next?” Tanong nito at ipinatong ang ulo sa dibdib niya.

“Na-operahan naman si mama sa tulong ni Atty. Pero pagkatapos n’on, nalaman ko na palugi na noon ang hotels namin kasi tinraidor si mama ng isang investor at tinalikuran din siya ng ibang investor and share holders. ‘Yon ang dahilan kung bakit siya inatake sa puso.”

“Napasa sa akin ang responsibilidad sa negosyo kasi nasa tamang edad naman na daw ako, at walang ibang pwedeng pagkatiwalaan na humawak ng negosyo. Sa akin nakasandal si mama, sa akin umaasa si Keifer. Kaya natagalan din ako noon na mahanap ka kasi walang-wala pa ako noon. We’re back to zero. Pakiramdam ko noon mababaliw ako, My. Walang araw na hindi ko inisip kung nasaan ka, kung maayos ka ba, kung okay ba ang anak natin sa sinapupunan mo. Pakiramdam ko pasan ko lahat dahil nagkasabay-sabay ang problema ko.” Napaluha siya ng maalala ang hirap na pinagdaanan niya na agad namang pinahid ni Mary Grace.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat