CHAPTER 1

32K 787 27
                                    

“MARIE KEI!!!!!” sigaw ni Mary Grace sa anak na labing isang taong gulang na. “Bilisan mo riyan! Mali-late ka na sa school!”

“Andiyan na, Nay. Kung makasigaw naman po kayo parang nasa kabilang barangay naman po ako.” Nakasimangot ito habang naglalakad palapit sa kanya na nasa pinto na.

“Heh! Halika na. Mali-late din ako sa ginagawa mo eh.” Sabay silang lumabas ng bahay at sumakay na sa Toyota Wigo niya.

Pinaharurot niya agad ito para hindi sila ma-late na mag-ina.

Lagi silang magkasamang umaalis ng bahay. Inihahatid niya sa paaralan si Kei saka siya papasok sa opisina.

It’s been 12 f*cking years mula nung nagsimula siyang bumangon at nagsimula ng bagong buhay sa Iloilo City. At sa 12 years na iyon, madaming nangyari. Pagkatapos niyang manganak, nagtrabaho muna siya sa printing press ng mamita niya; tinapos din niya ang high school at nagpatuloy muna sa pagtatrabaho after gumraduate. Ang mamita niya ang gumawa ng paraan sa mga papeles na kailangan niya sa school.

Ilang taon pa ang lumipas bago siya nag-college. She took up Bachelor of Library and Information Science sa isang unibersidad sa Iloilo. In-demand kasi ang mga librarian kaya ‘yon ang kinuha niya. Kumuha agad siya ng board exam ng matapos niya ang kurso niya. At sa awa ng Diyos, pumasa agad siya at isa ng ganap na Licensed Librarian.

Sa ilang taong nagdaan, ang mamita niya ang naging kasangga niya. Mahal na mahal sila nito ng anak niya. Tinuruan din siya ng mamita niya kung paano mamahala sa printing press.

Pero 4 years ago, pumanaw ang mamita niya dahil sa stroke. Hindi niya inakala na sa kanya inihabilin ng mamita niya ang negosyo nito. Kaya pala tinuruan siya nito kung pano ito patakbuhin, kasi sa kanya pala nito iiwan ang printing press. Kaya ngayon, imbes na nasa library, ito siya’t namamahala ng printing press.

All in all, isa lang ang napatunayan niya, ang hirap magpalaki ng anak lalo na’t single mom siya. Ang hirap ipaliwanag sa bata everytime magtatanong ito kung nasaan ang ama niya. Ang ipinagpapasalamat lang niya ay hindi siya kinukulit ng anak niya tungkol sa tatay nito. Mukhang naiintindihan nito na nahihirapan siyang ipaliwanag ang sitwasyon. Pero paminsan-minsan, nababanggit ng anak niya kung ano kaya ang pakiramdam ng may ama, at iyon ang pinakamasakit sa lahat, dahil iyon ang hindi niya kayang ibigay.

Nang makarating siya sa opisina, naroon na si Analyn, isa sa mga kaibigan niyang nakilala niya noong college. Licensed Librarian din ito pero dahil hindi sila mapaghihiwalay, nagtrabaho ito sa kanya bilang sekretarya niya sa printing press.

“Hi sweet pea, good morning.” Masayang bati nito sa kanya.

“Hey sweet pea. Ang aga mo ha.”

“Ako pa ba?” Kinindatan siya nito na mahina niyang ikinatawa. “Nga pala, tumawag ang contractor sa pinapagawang branch sa Cebu, malapit na daw matapos yung construction ng printing press. Wanna book a flight and check it out?” Ani Analyn habang sinusundan siya ng tingin.

“Later, sweet pea. Wala pa bang update sa pinapatayo nating branch sa Manila?” Aniya at umupo na sa swivel chair niya. Kinuha agad niya ang cellphone sa bag niya at nag-dial.

“Ahm- Wala pa. Tatawagan ko na lang mamaya ang construction firm.” Sagot nito habang lumalapit sa kanya nang mapansin nitong ni-loud speaker niya ang tawag.

“Yow, sweet pea! Wazzup?” Sagot agad ni Charlyn, isa din itong Licensed Librarian na hindi rin naging Librarian.

Editor ito ng Olympus Publishing Company at Novel Writer din ito. Sa Iloilo lang ito naka-base pero madalang na silang magkita-kita, busy na sa adulting.

“Hey, hey, Miss Editor. Wait up, ida-dial ko pa ang number nina Ellery at Jarine. Conference call tayo.” Agad niyang sagot at agad na nag-dial ulit.

Naghintay naman si Charlyn.

“Sweet pea!!! I miss you! Anmeron?” Anang matinis na boses ni Ellery.

Tulad nila ni Charlyn at Analyn, Licensed Librarian din ito na hindi rin nai-pratice ang propesyon. Ito ngayon ang abala sa pamamahala ng family business nilang Raz Book Store na unti-unti ng lumalago. Kaya kahit nasa Iloilo din ito, madalang din silang magkita.

“Conference call ‘to, sweet pea. Wait, wala pa si Jarine sa linya.” Nangingiti niyang sagot.

Segundo lang ang lumipas nang marinig nila ang boses ng isa pa nilang kaibigan.

“Hey, sweet pea! Ano’ng chismis? Ba’t ang aga mong tumawag?” Masiglang bungad ng nasa kabilang linya na ikinangiti nila.

“Well, Miss Librarian, naka-conference call tayo. Naka-loud speaker ka dito sakin. Kasama ko ngayon si Analyn.” Sagot niya sa kaibigang si Jarine na isa ding Licensed Librarian.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant