CHAPTER 6

22.7K 599 31
                                    

MAHIGIT ISANG linggo na mula ng mag-usap sa telepono sina Keith at Mary Grace. Pero wala ni isang araw na hindi siya nagpapa-deliver ng bulalak sa opisina ni Mary Grace. Ang pagkain, pinatigil ni Mary Grace. Itinigil niya iyon agad kasi mukhang naiirita si Mary Grace. Ngayong araw, tumawag na ang flower shop at nakapag-deliver na daw sila.

Kanina pa niya tinititigan ang telepono sa harap niya. Gusto niyang tawagan si Mary Grace, pero hindi niya magawa kasi wala siyang idadahilan. Naka-set na din naman ang meeting nila tungkol sa kontrata kaya wala na siyang idadahilan. At sa opisina lang naman nito ang numerong alam niya.

Screw it! Tatawag ako.

Agad niyang idinial ang numero sa opisina nito at sekretarya nito ang sumagot.

“MKei Printing Press, good morning. How may I help you?” Sagot agad ng sekretarya nito.

Tumikhim muna siya bago sumagot. “This is Keith Bernardo. Can you please transfer me to Ms. Aldamar’s line?”

Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. “You’re on the line, sir.” Magiliw nitong sagot.

“Thank you.” Masayang sagot niya.

“Ms. Aldamar, speaking.” Pormal ang boses nito. But, damn! He find it hot.

Oh, no. I’m in trouble.

“Good morning, My!” Masaya niyang bati.

“I’m busy, goodbye.” Pagtataray nito ng makilala ang boses niya.

“My, naman! Don’t hang up!” Pagpigil niya sa binabalak nitong pagbaba ng telepono.

“Ano ba kasi ang kailangan mo!?”

“N-nothing.” Nauutal niyang sagot.

“Wala naman pala eh, eh di goodbye!”

God. When did this woman became so feisty.

“Mary Grace..” Mahinang sambit niya na narinig naman yata nito.

“What!?” Padaskol nitong sagot.

“I miss you.” Aniya na punong-puno ng sinseridad. “Walang araw na hindi kita nami-miss.” Dagdag niya.

Sandaling natahimik ito bago nagsalita. “Huwag mo akong pinaglololoko, Keith. Saka pwede ba, marami pa akong gagawin.”

“Okay. Okay na ako. Narinig ko na ang boses mo. That’s all I need to keep me sane.” Sagot niya na bagsak ang balikat. Natahimik na naman silang dalawa. “Sige na. Magtrabaho ka na. Huwag kang masyadong magpapagod at huwag kang magpapalipas ng gutom, okay? Ingat ka palagi, My.”

Akmang ibababa na niya ang telepono ng magsalita si Mary Grace. Hindi na galit ang boses nito. “W-wait.” Silence. ”Ahm-..a-about Kei. Ahm..G-graduation na n-niya three days from n-now.” Silence.

Nagliwanag ang mukha niya sa sinabing iyon ni Mary Grace.

Does it mean na okay na sa kanya na bumawi ako sa anak namin?

Nagsalita ulit si Mary Grace kaya naputol ang iniisip niya. “I just thought you should know,so, y-yeah. Ahm-..”

“I’ll be there.” Sansala niya na malapad ang ngiti.

“O-okay. Ahm-..” Napangiti siya sa pagkakautal nito.

“Anyway, ano nga pala ang favorite color ng anak natin? Ibibili ko siya ng regalo.” Sansala ulit niya.

“Blue.” Tipid nitong sagot. “And ahm-..Mahilig siyang mag- drawing at mag-gitara.” Silence. “I j-just thought you s-should know it, too.” Napangiti uli siya. Kakaibang saya ang nararamdaman niya.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Where stories live. Discover now