CHAPTER 2

27.9K 673 11
                                    

HINDI NAGPAKITA si Keith kay Mary Grace noong araw na ‘yon. Hindi niya kaya. Pero ayaw naman niyang umuwi kaagad. Gusto pa niyang makita ang mag-ina niya. Kaya naghanap muna siya ng hotel malapit sa printing press at nanatili roon.

Ilang araw na din niyang sinusundan at inaabangan sina Mary Grace. Alam na niya kung saan nag-aaral ang anak nila, kung saan ang bahay nito, pati ang routine ng mag-ina niya sa isang araw,  alam na din niya. Nagiging masaya siya na makita sila kahit sa malayo.

Ngayon, ito siya, sinusundan si Mary Grace sa isang mall. May kasama itong kaibigan na sa pagkakadinig niya ay Analyn ang pangalan at nandito sila ngayon sa department store.

I’m acting like a f*cking stalker. This is so weird! I’m so weird!

Natigilan siya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot.

“What do you want, Keifer?” Iritadong sagot niya sa kapatid at huminto muna sa paglalakad. Tama naman kasing huminto sina Mary Grace di kalayuan sa kanya.

“Abnormal ka ba? May kompanya ka kayang dapat asikasuhin. Hindi ko kompanya to, Kuya. Pero ako ang nandito. I have my own company to take care of.” Iritado ding sagot nito. “Ilipat ko na ba riyan sa Iloilo ang kompanya mo? Diyan ka na lang.”

Si Keifer lang ang pinagkakatiwalaan niya kapag wala siya. At ilang araw na siyang wala doon kaya galit na ang kapatid niya.

“Uuwi na din ako. Pasensiya ka na, okay? I just need a little more time, brod.” Puno ng frustrasyon niyang tugon sa kapatid at napatingin siya sa ibang direksyon.

“Nakausap mo na ba siya?” Napalitan ng kuryosidad ang inis ng kapatid niya.

“Ahm..ano..ah..hindi pa eh.” Sagot niya habang kinakamot ang batok niya.

Tumawa ang nasa kabilang linya. “Damn! Ano'ng nangyari sa kuya kong matapang? Isang Mary Grace lang pala ang katapat mo eh.”

“Shut up, Keifer.” Naiinis niyang sagot.

“So, malamang, nakita mo na din ang anak mo. Kamusta naman siya? Kamukha ko ba ang pamangkin ko?”

“Ikaw ba ang tatay? Ba’t ikaw ang magiging kamukha? Ni hindi ko nga kamukha eh, kamukhang-kamukha siya ni Mary Grace.”

“Patay na patay ka kasi kay Mary Grace kaya di mo kamukha 'yong pamangkin ko.” Nanunudyo ang boses ng kapatid niya na nasa kabilang linya.

He rolled his eyes. “Whatever, brod.”

“Ano ba ang naramdaman mo nang makita mo si Mary Grace? Kinabahan ka? Kinilig? Tumambling ba ang puso mo? Mahal mo pa nuh?” Walang patid na panunudyo ulit nito.

“Hindi ako pupunta dito kung di ko siya mahal. 12 years na pero ganun pa din ang naramdaman ko nang makita ko siya. Maganda pa rin siya. At siya pa rin ang gusto ko. Wala ng iba.”

Ilang segundo ding tumahimik ang nasa kabilang linya bago ito nagsalita ulit. “You’re still whipped 12 years later, I see.”

Agad niyang napansin na wala na sina Mary Grace nang tignan niya ang direksyon kung nasaan ang mga ito kanina. Shit!

“Ikaw na muna ang bahala dyan, okay? Thank you, brod.” Hindi na niya hinintay ang sagot ng kapatid at agad na tinapos ang tawag.

Palinga-linga siya at hinanap si Mary Grace. Nalibot na niya ang department store pero wala na ang mga ito. Kaya naman lumabas na siya at hinanap sa mga boutique na naroon ang babaeng pinakamamahal niya.

Mahigit isang oras din siyang paikot-ikot sa mall pero wala na talaga si Mary Grace.

Baka umuwi na siya. Tsk. Kaya naman lumabas na siya sa mall at sumakay ng taxi patungo sa bahay nito.

MASAYANG NAGKUKWENTUHAN sina Mary Grace at Analyn habang nasa department store ng isang mall. Naghahanap sila ng iri-regalo kay Kei. Nag-top kasi ito sa klase nila.

“Ano nga ulit ang favorite color ni Kei, sweet pea? Ibibili ko din siya ng regalo.” Tanong sa kanya ni Analyn habang tumitingin sa naka-hanger na mga blouse.

“Blue.” Tipid niyang sagot habang busy naman sa pagpili ng dress.

“Great! Pareho kami!” Ani Analyn na puno ng excitement ang boses. “Sweet pea, kasya kaya 'to sa kanya? Tignan mo nga. Di ko matantya eh.” Kuha ni Analyn sa atensyon niya.

Agad na humarap siya kay Analyn para tignan ang damit na hawak nito. Ganun na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang may mahagip ang paningin niya di kalayuan sa kanila.

F*ck! Namamalikmata ba ko? Or gutom ako? Di naman ako nagda-drugs but I’m seeing things. My god!

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Where stories live. Discover now