Chapter 3

72 4 0
                                    

"Head boss..." Haluyhoy ni Goya, "...patawarin mo na kami. O kaya'y patayin mo na lang ang isa sa amin, matapos lang ito."

"Kung mangyayari iyan dapat isa kina Romeo, Hope at Dom ang dapat na mamatay! Wala akong kasalanan!" Galit namang alingawngaw ni Free.

"K-kaya nga kayo nakasuspinde ng patayo hindi ba?" Paninimula ni Hope na pahirapang tumungo dahil sa paa niyang nakatali at katawang nakasuspinde ng pabaliktad, "Ang rami niyong reklamo kesa sa amin."

"Ayoko na." Mahinhin na untag ni Dom na nasa gitna ng lima, "Hindi ko na kaya."

"Isipin niyo na lamang na parte ito ng training natin... Hmp!" Anya ni Romeo na pilit na umangat at kumagat sa mansanas na nasa pagitan ng kanyang mga paa.

"Akala mo lang madali!" Sigaw ni Hope na sumuko nanaman sa panunubok na abutin ang prutas.

"Tumahimik nga kayo!" Naghalukipkip pa si Tough habang nakaharap sa lima na nakasuspinde sa mga poste na pinatayo ni Lauren sa kanilang bakuran kanina bago pinadakip ang lima, "Ubusin niyo na lamang iyan para matapos na. Si Romeo nga'y mga tatlo O apat na kagat na lamang ay matatapos na."

"Easier said than done boss." Anya ni Dom na nagpasalubong ng kanyang kilay.

"Nais mo bang dagdagan iyang mansanas?" Pang-aalaska niya.

"Hindi boss." Ani nito at sinubok nanamang abutin ang prutas.

"Hindi mo ba alam boss na may kasalanan ka rin?" Sabat ni Hope.

Ngumise naman siya, "Nais mo bang sabihin iyan kay Lauren? E big boss nga ako di ba?" Humaluyhoy naman ang apat pwera kay Romeo na naka-concentrate pa rin sa pagkagat ng mansanas.

"Free?" Bati ni Lorraine nang lumabas ito ng bahay at tumabi kay Tough, "Ano nanaman ba ang ginawa ng gunggong na ito?"

"Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang kasalanan, alam kong umuwi iyan sa inyo eh. Pero kasi..." Pagrarason ni Tough ngunit agad namang sumabat si Lorraine.

"Umuwi? Sino? Iyan?"

Tumango tango naman si Tough, "Hindi nga ba?"

"E tatlong araw na nga siyang hindi umuuwi sa bahay. Nasa distrito raw siya at busy palagi. Anong sinasabi niyang umuuwi?" Bunyag ni Lorraine na nagpahinto sa kanila at nagpabaling kay Free na may guilty na expression.

"I can explain." Anya lamang ni Free bago lumunok, "Nga pala, ba't nandito ka mahal?"

"Mahal-mahal mo iyang mukha mo!" Sagot lamang ni Lorraine bago umismid sa asawa.

"Problem?" Si Lauren naman ang tumabi sa kanila karga ang sanggol na si Tanya, pinaglalaruan pa nga nito ang buhok ng cabal.

Bumaling naman si Tough sa kasintahan, "May mas mahirap na parusa pa ba kaysa dito Lauren?"

Bumaling si Lauren sa sanggol at hinalikan ito sa templo, "Ahuh?"

"Can you kill him?" Untag naman ng galit na si Lorraine.

"That is... a good option." Anya ni Lauren na nasa sanggol pa rin ang atensyon, "Is that what you want my love?" Baling ni Lauren kay Tough na nagpatango lang rin rito.

Nagsimula namang magpumiglas si Free sa narinig, "Ano ka ba mahal?! That's not what she meant my lord. Sandali lang Boss! I can explain! Please!!!"

***

Maya maya'y nasa sala na sina Tough at Lauren na kapwa masayang nakikipaglaro sa sanggol, kasama naman nila si Lorraine na may hawak na magazine. Husto namang dumaan sina Romeo at Goya bitbit si Dom papunta sa kusina.

Babysitting a Gangsta! 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon