Chapter 15

57 2 0
                                    

"Wala na bang mas hihina pa sa sasakyan na ito Pao?" Galit nang turan ni Tough kay Pao na siyang nagmamaneho ng SUV ngayon. Ang totoo niyan, ang ruta na kanilang dinaanan ay hinaharangan ng mahabang traffic. Araw kasi ng Biyernes kaya buong araw na rush hour, mapa-umaga, hapon at lalu na kung gabi, yun ang turan ni Pao sa kanya kanina. Siya itong nasa backseat katabi ang humahaluyhoy na si Francisco, siyang pinakilala na rin ni Pao. Alam niya rin na kasunod ng kanilang sasakyan ang grupo nina Miguel. Hindi na niya nakontak pa si Hope. Bahala na ang lalaking iyon sa kanyang pera.

"Boss, ginagawan ko na ng paraan. Pero wala e. Maaari rin nating araruhin itong mga pipitsuging mga sasakyan sa ating harapan. May collateral nga lang na maaari nating dalhin sa lugar na nais niyong puntahan."

"Anong cotella... ha?!"

"Mga pulis boss. Mga pulis."

Humalukipkip siya't bumuntong hininga, "Papatayin ko talaga yung lalaking nagsinungaling sa amin kanina."

"Ano nga po ba ang nangyayari big boss? Kanina pa kita tinatanong."

Si Francisco ang sumabat, "Kanina ko pa rin tinatanong kung saan niyo ko dadalhin?"

"Wala ka sa usapan hah."

"Magiging miyembro na ako hindi ba?"

Du'y bumunyi si Tough at lumingon sa lalaki, "Talaga?"

"May choice ba ako?" May bakas pang panlulumo sa mukha nito. Talaga bang gusto na nitong mabahagi sa kanilang distrito O baka nag-a-acting lang ito upang makatakas sa kanyang kamay? "B-basta ba huwag niyo akong papatayin."

Kumunot si Tough at seryosong nakipagtitigan rito. Napahinto nga ito at napansin na lamang ni Tough ang kakaibang kislap na namuo sa mga namimilog nitong mga mata, "Kung gayon, kailangan mo lamang na sagutin ang tanong ko at tatanggapin na kita bilang bahagi ng distrito ko."

"Ah..." Tumaas na lamang ang kilay ni Tough nang mahinuha yung namula nitong pisngi. Saka ito tumungo sa mga kamao na nasa kandungan, "Ano yun?"

"Gaano ka kayaman?"

Agad na umugong si Pao, "Big Boss Tough, akala ko pa nama't seryosohan na."

Nanlisik ang kanyang tingin sa kanyang bata, "Seryoso naman ah!" Saka siya muling bumaling kay Francisco at nginitian ito ng kay tamis. Muli rin itong natunganga na titig lamang ang kanyang mukha. Di niya alam na mahiyain na lalaki pala itong gagong ito, "Totoo ba na may mga kumpanya ka?"

"O-oo...-" Napalingon pa ito nang sinampal niya. Mahina lang naman. Agad rin itong tumingin sa kanya ng diretso sapo sapo pa ang pisngi.

"Big boss nga ako di ba. Respeto, gago."

Sumabat si Pao, "Big Boss, kayo ang may kailangan sa kanya. Baka naman pwede kayong maging magiliw. Kilala ko si Francisco at kung gaano yan kadamot. Pating nga kung ituring ko yan."

"Pakiulit."

"Huh?" Sabay nilang reaksyon sa naging turan ni Francisco.

Mukha itong wala sa sarili, "Pakiulit big boss...-" Muli niya nga itong sinampal na may kalakasan na upang masagot lang ang kanyang sariling tanong. Nababaliw na ata ang lalaking kaharap niya at hindi niya alam kung bakit. Muli itong tumingin sa kanya ng diretso, sa pagkakataong ito ay may malawak na itong ngiti sa pisngi, "Isa pa...! Agh!" Agad itong napasubsob sa gilid at nawalan ng malay nang sinuntok ni Pao mula sa driver's seat, kasalukuyan silang nakahinto dahil sa traffic.

"Manyak!"

Nakataas ang kilay na tinitigan niya lang si Pao, "Problema mo, nag-uusap pa kami! Nakukuha ko na siya sa usapan at sampalan e!"

Babysitting a Gangsta! 2Where stories live. Discover now