Chapter 12

50 4 1
                                    

Tahimik siyang bumalik sa locker room at nag ingay ng kaunti upang ihudyat sa mga tsismosa niyang mga team mates ang kanyang presensya. Nang dumaan siya'y, nakatuon na nga ang mga ito sa sariling mga ginagawa, "Hi Jeremiah! Nice faint!" Bati agad ni Madeline sa kanya, muntik pa siyang suminghap ngunit nginitian na lamang ito kaagad.

"Ang galing mo nga talaga!" Puri rin ni Glaiza na muntikan niya pang kontrahin rin. Ngunit kailangan niyang humusdili. Hindi na niya dapat pang patulan ang mga taong nasa mababang level.

"Salamat." Puno ng disgustong sambit niya ngunit nagawa niyang sabihin iyon ng may galak.

Agad siyang dumiretso sa locker niya't nahuli pa ang mga ito na nagtitigan na may guhit na pang-aalaska sa mga mata. Napigilan niya rin ang umiling. Mabuti na lamang at marami siyang natutunan sa lansangan habang kasama ang kanyang kababatang si Peretz, isa nga sa mga yaon ang maging mapagpanggap. Naroroon si Klarisa nang sinimulan niyang magpalit ng damit, "Talagang ang galing mo kanina Jeremiah."

May pagdamdam man siya'y naguhit niya rin ang sincere nitong papuri. Maaaring natatakot lang rin siguro nitong madamay. Ngunit sapat ba iyong maging rason upang hayaan na lamang na husgahan ang sariling kaibigan? Bumuntong hininga na lamang siya't ito'y tinanguan at pinasalamatan, nginitian niya rin si Stephanie na tinapik tapik ang kanyang balikat bago bumalik sa bench at sumuot ng sapatos. Hindi rin siguro niya masisisi ang mga tao sa kanilang mga hangarin, may iba't ibang paraan ng pagsuporta, yung bulgaran at yung palihim. Maaaring pinili ng mga ito ang huli, bagay upang maprotektahan rin ng mga ito ang mga reputasyon ng bawat isa. Kung sabagay, kung magsasalita nga siguro ang mga ito'y tiyak na lalago lamang ang away. At ayaw rin ni Jeremiah na maging sanhi ng kaguluhan.

Ang sabi ng doktor... Positive, positive...

Dali dali nga siyang nagpalit at aalis na sana sa silid nang biglang pumasok ang doktor. Huminto pa siya upang titigan ang mga kumikislap nitong mga mata at ang nakakalokong ngiti sa mga labi. Mga isang segundo lang naman dahil sa ibang ka-team mates niya ito bumaling agad, "Hi..." Bati nito na nag-acting pang nahihiya, muntikan pang rumolyo ang kanyang mga mata.

Napuno kaagad ng interes si Jeremiah nang makita ang obvious na pagkahanga ng kanyang mga team mates. Sino nga ba ang hinde? "A-ano pong kailangan nila?" Agad na tanong ng isa sa kanyang mga kasamahan.

Nakikimi itong ngumiti, "I'm sorry, I'm not so good with your language."

"Chinese ba siya?"

"Koreana?"

"Pero ang ganda ng accent, parang tubong America."

Gayunpaman ay agad ring nagsalita si Aria, "I'm looking for Jerem..." Tumaas ito ng tingin at muling nagtamaan ang kanilang mga mata.

Nagtagal pa iyon ng ilang segundo kaya medyo napataas ang isa nitong kilay. Nga pala, nasa loob sila ng isang role play at oras nang siya naman ang magsalita. Ang dapat sana'y magugulat si Jeremiah sa biglaang pagsulpot nito, ngunit ang sagwa lang I-imagine, 'Aria? Why are you here?' Instead, "You? You're here?" Sa super malumanay na boses.

Medyo umawang ang bibig nito ngunit makaraa'y bumalik ito sa akting aktingan, "Surprise?" Du'y nahinuha na ni Jeremiah na nakabaling na nga ang lahat ng atensyon sa kanya.

"Ah magkakilala kayo?"

Hindi niya alam kanino galing iyon dahil agad na lumapit ang doktor sa kanya at siya'y niyakap. Mistulang nasemento ang mga muscles ni Jeremiah nang maglapat ang kanilang mga katawan. Wala iyon sa script! Heto nanaman ang nerbiyos na kumakatok sa di niya malamang parte ng kanyang sistema. Pinigilan niya pa nga ang huminga upang ihinto ang libo libong tambol na tumutugtog sa kanyang kaibuturan. Napatino lamang siya nang bumulong ang doktor sa kanya bago kumalas, "Now, bear it."

Babysitting a Gangsta! 2जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें