Panimula

680 15 20
                                    

Simula

Walis

"Peralta!" Napatingin ako kay sir Lopena na biglang isinigaw ang apelyido ko.

"Sir?" Nagtataka kong tanong habang nakakunot ang noo ko.

"Lumipat ka rito, sa tabi ni Alcazar."

Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan si sir. "P-po? Bakit po?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ayaw mo?"

Umiling-iling ako.

"Ayaw mo o ibabagsak kita?"

Nagtawanan ang mga kaklase ko at nag sabi ng 'lagot'. Tinignan ko si sir at nginitian.

"Sabi ko nga po lilipat na ako, eh." Nagpeace sign ako at nagtawanan muli ang mga kaklase ko. Bahagyang natawa si sir.

"Good."

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumipat sa tabi ni Alcazar. Tinignan niya ako at ngumisi, kaya inirapan ko na lang siya. Hindi ko rin talaga maintindihan si sir kung bakit niya ako inilipat dito, at sa harapan pa talaga. Katabi pa nitong kupal na maingay na lalaking 'to.

Nagpatuloy si sir sa pagdidiscuss at napatulala muli ako, nagpaikot-ikot ang tingin ko sa buong classroom namin, tinitignan ang ganda nito. Actually, hindi ko pa naikot ang mga mata ko rito at hindi ko pa talaga nakita ang ganda nitong room namin dahil palagi akong nagsusulat sa may notebook ko roon sa may likod. Hindi naman kasi ako nakikita ni sir, at ewan ko ba ngayon, bigla niya akong inilipat. Nagulat pa nga ako, pero siguro dahil iyon sa napapansin niyang hindi ko pakikinig at pagbibigay ng atensyon sa kanya. Ang baba na rin kasi ng grado ko sa asignaturang ito, pero hindi ko rin alam bakit gayong naiintindihan ko naman ito.

Maya-maya pa ay uwian na namin. Nakabalik na ako sa dati kong pwesto sa harap, malapit sa pintuan. Likod kasi ang pwesto ko noon kapag research, pero inilipat ako ni sir sa tabi ni Alcazar. Kapag research time lang naman ganoon ang pwesto namin, kaya okay lang.

Monday pala ngayon, cleaner ako. Itinaas ko ang bag ko sa upuan ko at kinuha ang walis doon sa may likod. Nagsiuwian na rin ang mga kaklase kong hindi cleaner, maliban sa mga lalaki.

"Oy Bianca, hintayin niyo ako ah! Linis lang ako." Sigaw ko at nagsimula nang magwalis.

"Sige, dito lang kami sa labas." Sabi niya at kinuha ang mga gamit niya.

Nakita ko ang mga lalaki kong kaklase na naglalaro at nagtatakbuhan paikot ng classroom.

"Ano ba, lumayas nga rito lahat ng hindi cleaners! Kayo wawalisin ko." Tumaas ang kaliwang kilay ko at napameywang ako. Natigilan sila sa paglalaro. Tinignan lang ako ni Alcazar nang nakangisi at nagpatuloy sa pagkukulit. Padabog akong napabitaw sa walis na hawak ko, na naging senyas ng mga kaibigan niya na patigilin siya.

"Hoy On, ayaw pa namin mamatay. Tumigil ka na at baka madamay pa kami." Sabi sa kanya ni Jonathan. Tinanguan ko ito. Napalingon naman sa akin si Alcazar, nakangisi pa rin. Bwisit, ang sarap tanggalin ng bibig niya. Puro ngisi.

"Hoy ikaw off, anong nginingiti-ngiti mo diyan? Lumayas na kayo rito!" Sigaw ko at pinanlakihan ko sila ng mata. Umalis na ang mga kaibigan niya at sinabihan siya ng 'bahala ka na diyan, iwan ka na namin'.

Sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan niya ngunit nginitian din ito. Tumingin muli siya sa akin. Tumaas ng sabay ang kilay niya.

"Off?" Tanong niya at tinabingi ang ulo niya.

Hinawakan ko ang nose bridge ko at hinilot ito. Ayon pa talaga ang napansin niya, wala ba talaga 'tong balak umalis?

"On--Off." Simple kong sagot. Ngumiti siya, kaya kumunot ang noo ko. Aba't--- nakuha pa talaga ng loko ngumiti.

"Ang talino mo talaga, kaya kita gusto eh." Seryosong sagot niya. Napatitig ako sa kanya na may seryosong mukha. Ano na naman ba ang pinagsasabi nito? Dami niyang alam.

Kinindatan niya ako dahilan para mapairap ako sa kanya. Daming satsat nitong kupal na 'to, ang sarap talaga ilagay sa garbage bag tapos itapon, eh!

"Dami mong sinasabi, lumayas ka na rito! Bwisit ka."

Kinuha niya ang mga gamit niya at naglakad na papunta sa pinto.

"Ingat ka, Liz!" Sigaw niya habang nakadungaw sa pinto, kumakaway pa. Kumunot ang noo ko sa nabuo niyang nickname ko. Sasabatan ko pa sana siya kaso pagod na ako. Pinulot ko ang walis na binagsak ko at tinaas ito, na siyang nagsenyas sa kanya na tumakbo at umalis na.

"Ikaw Zil, ha." Tinignan ko sila Maxine na nakasandal sa may pintuan. Inirapan ko na lang sila at nagsimulang magwalis.

"Ay, Liz pala." Sabat ulit ni Maxine dahilan para matawa sila ni Bianca at ibang mga kaklase kong cleaner din tulad ko. Sinamaan ko sila ng tingin kaya napayuko sila at mahinang nagtawanan.

Natapos na ako sa pagwawalis at kinuha ko ang bag ko. Kinuha ko na rin ang mga notebook ko para mailagay ito sa locker.

Inaya ko sila Maxine at Bianca sa locker ko at sumunod naman sila. Pagbukas ko nito, nagsalita si Maxine.

"Uy, parang madalas ko nang napapansin si On. Maingay siya pero ngayon ko lang nakita ang pagkamalikot niya, lalo na 'pag dating sa'yo. Papansin masyado." Humagikhik siya at tinusok-tusok ang bewang ko. Umiiwas naman ako at inirapan ko lang siya.

"Ano naman? Papatayin ata ako sa inis ng hayop na lalaking 'yon."

"Sus. Bagay nga kayo, eh. Magmove-on ka na nga." Sabat naman ni Bianca at inappear-an siya ni Maxine. Lagi talaga kong pinagtutulungan ng mga ito.

"Ah basta, kadiri. Hinding-hindi ko magugustuhan iyon. Mamamatay muna ako." Sabi ko at isinara na ang locker ko.

"Sige ah, kapag 'yan nagustuhan mo." Pang-aasar muli ni Maxine.

"Edi okay? Hindi pa rin mangyayari 'yon." Sagot ko habang pababa kami ng hagdanan.

Ang totoo kasi, ayoko na masaktan. Gusto ko na lang magfocus sa pag-aaral ko ngayon dahil isang taon na lang ay senior high na kami. Noon kasi, puro kalandian ang nasa isip ko.  Pero ngayong natutuhan ko na ang tunay na nadarama kapag naiinlove, natuto na ako at sineseryoso ko na ang pag-aaral ko.

Pagdating ko ng bahay, umakyat agad ako. Hindi ko na pinansin ang kapatid ko dahil nanonood lang ito sa laptop. Dumeretso ako sa kwarto ko, binaba ko ang bag ko at sumalampak ako sa kama ko. Napatingin ako sa taas ng kwarto ko kung saan mayroong mga nakadikit na glow-in-the-dark na mga bituin na bumubuo ng constellations, at isang malaking buwan sa gitna. Napangiti ako nang maalala kung sino ang nagbigay nito.

Sana masaya ka na diyan sa langit. Lagi kitang ipagdarasal at lagi rin akong susunod sa mga payo mo. Mahal na mahal kita, hinding-hindi kita makakalimutan.

Napangiti ako at may luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko. Pinunasan ko ang luha ko at umupo na ako sa kama ko, at napatingin ako sa bag ko nang bigla itong tumunog. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko mula rito.

Tinignan ko kung bakit ito tumunog, at nasapo ko ang noo ko nang makita kung sino ito.

Lauon set his nickname to Off.

Off set your nickname to Liz.


Hayop na lalaking 'to.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon