Pang-walo.

128 6 25
                                    

Ika-walong Kabanata

Tumbler


"Galit ka ba sa'kin?" Bulalas ko pagkapasok ko isang araw kay Off. Paano ba naman kasi, hindi ko pa siya naririnig na asarin ako buong linggo pagtapos ng away namin ni Angela. Parang kami pa ang nag-away, eh.

Tnitigan niya ako at tumigil ang pag-aalog niya sa paa niya. Naka-dekwatro ang upo niya at humarap siya sa akin.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?" Masungit niyang tanong, magkasalubong ang makakapal niyang kilay. Tinaas ko ang kaliwang kilay ko at nagkibit-balikat. Inayos ko ang puwesto ng bag ko at ang mga gamit na nasa loob nito.

"Ewan ko sa'yo. Hindi mo kasi ako inaasar." Nilingon ko siya.

Tumaas ang gilid ng labi niya ngunit kinagat niya rin iyon kalaunan. "Bakit, gusto mo bang asarin kita?" Panunuya niya. Ngumisi ako at umiling.

"Hindi naman. Nakakapagtaka lang, hindi ako sanay."

"Uh-huh.." Tumango-tango siya at pinaglaruan ang mga labi niya. Napatitig tuloy ako roon pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Anong kahibangan ba iyan, Zil?

Intramurals na kasi ngayon, kaya ang dami kong bitbit. Paano ba naman kasi, kasali na nga ako sa drum and lyre band, kasali pa ako sa dance troupe. Ang dami ko tuloy dalang damit pamalit. Naka-intrams shirt ako ngayon, at pagdating naman nina Jana ay magbibihis na ako ng uniform namin sa drum and lyre, iyong parang sa majorette. Kabilang kasi ako roon sa flaglette at sina Jana naman ang doon sa majorette.

Tumayo si Off kaya napa-angat ang tingin ko sa kanya. Tinapik niya sa balikat si Vin kaya tumayo na rin ito, sumunod naman ang iba niyang katropa. Saan pupunta 'tong mga 'to?

Kalaunan ay dumating na rin sina Jana. Kinuha ko ang damit pamalit ko at nagtungo na kami sa girls' CR.

"Napakabagal, Jana!" Sigaw ni Maxine pagkalabas niya ng cubicle. Ako kasi ang naunang matapos sa kanila sa pagbibihis at nasa harapan na ako ng salamin ngayon, inaayos ang damit ko pati na rin ang itsura ko. Ayoko namang magmukhang gusgusin doon, 'no.

"Che, malapit na!" Sigaw pabalik ni Jana. Umirap si Maxine at nilabas na ang lip tint niya, nagsimula na rin siyang maglagay. Nag-pulbo lang naman ako at pina-ayos ko na rin ang buhok ko kay Amarie habang hinihintay si Jana, kaya maayos na ang itsura ko.

"Lagyan kita, Zil!" Nilingon ako ni Maxine at iwinagayway ang lip tint niya. Agad naman akong umiling, hindi kasi talaga ako mahilig sa ganoon.

"Dali na," Nagpout siya.

"Nakapag-lip balm na ako, e." Sagot ko, totoo naman kasi iyon. Lip balm lang talaga ang nilalagay ko sa labi ko.

"Pleasee."

"Ayaw."

"Dali na, pleasee?"

Tumikhim ako at tumango na lamang. Hindi ko rin naman kasi 'to matatangihan. At isa pa, halos lahat naman sila ay naka-ganoon, pati nga si Bianca na walang interes doon ay nilagyan ni Max, sabi rin kasi ng leader namin ay magpaganda kami dahil paparada kami sa buong lugar kung nasaan ang school namin, parang iyong ginawa namin noong buwan ng wika, tradisyon na rin kasi kapag may parada. At 'saka ang sinungaling ko naman kapag sinabi kong ayaw kong i-try iyon, 'no.

Pumalakpak si Maxine at itinapat na sa akin ang lip tint. Kumunot ang noo ko habang tinitignan ko ang paglagay niya sa akin noon. Nang matapos siya ay itinuro niya sa akin kung paano iyon ikalat, at 'saka ako hinarap sa salamin.

"Ayan, ang ganda mo!" Tuwang-tuwa na sabi niya kaya napangisi na lang ako at napa-iling. Hindi naman ganoon kahalata iyon, baby pink lang ang kulay.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now