Pang labing-anim.

93 1 0
                                    

Ika labing-anim na Kabanata

Bulaklak

"Magchecheck-in ba kayo sa hotel bukas?" Tanong ni Jana. Nakapabilog lang kaming magkakaibigan sa lapag katulad ng palagi naming ginagawa. Naglalaro kami ng uno ngayon dahil natapos na namin ang mga pinapagawa sa amin kanina. Kaunti lang naman iyon dahil binuhos ng teachers sa performance tasks ang clearance. Iyong mga minor at electives naman iyong nagbigay ng written works na ginawa namin kanina.

"Siguro." Sagot ko at naglapag ng card. Dalawa na lang ang natitira sa akin at wala pang nananalo o nauubusan ng card sa'min.

"Oo, steal!" Sagot ni Vin at naglapag ng steal.

"Hindi, uno!" Si Mateo naman at naglapag ng isa pang steal.

"Alam mo na Vin ah, sa room niyo kami tatambay pagdating doon. Steal!" Si Anton naman.

"Ano pa nga ba? Ganoon nga ang ginawa niyo last year." Sabi ni Vin kaya napatawa sila. Napahigpit naman ang hawak ko sa cards ko at parang nanakit ang tenga ko sa narinig. Last year...

"Zil, okay ka lang?"

"Zil!"

"Maxzille Heydie!"

"Puta!" Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit. Parang nawala saglit ang isip ko dahil sa narinig ko. Hindi pa rin ako nakakamove-on.

"Uy Zil, sorry!" Sabi ni Vin na may nag-aalalang mukha. Nakatingin pala silang lahat sa'kin at tulad ni Vin, ganoon din ang itsura nila. Niyakap naman ako ni Jana at ni Amarie na nasa kaliwa't kanan ko.

Ngumiti ako ng malungkot kay Vin. "Okay lang. Sorry pala. Sino na next?" Sinubukan kong magtunog masaya pero sa halip ay nanginig lang ang boses ko. Maxzille naman, eh.

"Steal!" Sigaw ni Off at tumayo bigla, tunog naiirita. Tapos na pala siya maglaro.

"Ano ba 'tol, nakakahiya ka!" Sigaw ni Franco at hinila siya paupo. Umupo naman siya kaagad pero kunot pa rin ang noo niya. Nababaliw na ba 'to? Ang saya-saya niya kanina tapos heto't naiinis na naman siya. Daig niya pa babaeng may period sa sobrang dalas ng mood swings niya.

"Steal, uno." Kalmado kong sabi at napasandal sa pader. Nakasandal pa rin sa balikat ko si Jana kaya umayos siya ng upo nang ginawa ko iyon.

"Yes!" Sigaw ni Brianne nang mailapag niya ang huling card niya. Nagreklamo naman iyong iba naming kaibigan dahil palagi raw siyang nauuna.

"Hoy ang daya, kampihan kayo palagi nang kampihan!" Sigaw ko nang makabawi ng lakas at mabigyan ng plus si Mateo na agad namang tinulungan ni Brianne.

"Edi magkampihan din kayo!" Sigaw naman sa'kin ni Mateo kaya napairap ako. Naglapag naman na si Maxine at nilapag ko agad iyong huling card ko. Napangiti ako at hindi na lang nagsalita.

Napapikit na lamang ako nang mariin. Naisip ko na naman si Kael. Mag-iisang taon na ang makalipas simula noong... araw na iyon. Balak ko nga siya bisitihan bukas ng umaga. Nakakatawang isipin na sumakto ang petsa ng prom namin noon sa prom namin ngayon, mabuti na lang at magkaibang lugar na. Hindi ko pa rin mabitawan si Kael, hindi pa ako nakakamove-on. Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang last year at prom kanina. Ano kayang magiging reaksyon ko sa prom bukas? Iiyak? Magsasaya? Kakalimutan ang nangyari? Ano?

Ang alam ko lang sa sarili ko ay hindi lilipas ang gabing iyon nang hindi ko siya naiisip. Walang araw na hindi ko siya inisip. Minsan kapag malalim na ang gabi at hindi ako makatulog, mga masasayang alaala namin iyong inaalala ko. Sa halos isang buong taon na naging kami, halos wala kaming pag-aaway. Kung meron man ay nagbabati kami kaagad. Tago ang relasyon namin sa mga kaibigan ko at sa publiko, noong prom lang namin sinabi.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz