Pang labing-apat.

75 2 2
                                    

Ika Labing-apat na Kabanata

Props at Costume



Lumipas ang cheerdance, El Fili, at ngayo'y continuation ng Romeo and Juliet na namin. Sa cheerdance namin, pangalawang pwesto ang nakuha ng section namin sa buong batch namin, ganoon din sa El Fili. Huling performance task na namin itong Romeo and Juliet, tapos clearance na lang at practice sa moving-up. Oo nga pala, may prom pa. Ang late ng prom namin ngayon dahil marami kaming ginagawa, pati na iyong grade 9. Sabado ng linggong 'to ang prom namin at handa na iyong gown ko para roon. Ganoon na rin ang sa mga kaibigan ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Konting oras na lang pala kaming magkakasama ng mga kabigan ko. Alam kong mayroong mga lilipat sa kanila, may mga mananatili rin. Ako? Hindi ko pa alam kung saan ako pupulutin, pero nag-exam na rin ako sa ibang mga school at universities.

"Hoy, maghanda ka na, aba!" Pinalo ako ni Maxine sa braso. Inirapan ko na lang siya at tumango.

"Nasaan na si Juliet?!" Nagpapanic na sigaw ni Eliott dahil siya iyong leader ng buong section namin. Presidente, eh. Director naman si Jane dahil magaling siya sa mga ganoon.

"Tulala!" Sigaw ni Anton na nasa tabi ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya nanahimik siya.

"Ito na, maghahanda na!" Sigaw ko at tumayo. Ang ingay ng room namin at ang props men ay inaayos iyong mga gamit namin sa likod ng room. Naka-upo lang ako sa harapan. Si Maxine ay minamake-up-an na iyong iba tulad nina Jana, mamaya na raw ako para fresh pa raw iyong akin. Nag-presenta kasi ako maging Juliet dahil nag-iinarte na naman ang mga kaklase ko. Isa pa, mahilig naman ako sa mga ganito kaya bida-bida ako palagi sa mga play.

"Hoy Juliet!" Kinalabit ako ni Ivy kaya nilingon ko siya, taas ang isang kilay.

"Ano?"

"Wala. Kabisaduhin mo na." Binigay niya sa'kin ang script at umalis na. Kabisado ko naman iyon matagal na dahil halos isang buwan din ang naging practice namin kahit kasabay nito ang practice namin sa El Fili. Maliit lang ang naging role ko roon dahil si Jana ang napiling Juli, kaya nagkaroon ako ng oras para magkabisado.

"Juliet!" Sumigaw na naman si Eliott na nakakunot na ang noo. Stressed na naman ang isang ito.

"Po?" Nagtaas ako ng kamay para makita niya kung nasaan ako.

"Maghanda ka na, ha! Malapit na tayo!" Aniya at lumabas ulit para tignan iyong gym, nagprepresenta na kasi iyong isang section.

"Opo!" Sagot ko na lang at kinalabit na si Max para maayusan niya na ako.

"Yay, tapos na!" Pumalakpak siya nang matapos kay Jana na nurse ang role. Sa akin naman siya bumaling pagtapos kaya umayos na ako ng upo. Maayos na rin ang buhok ko dahil inuna ako ni Amarie, mahirap kasi iyong ginawa niyang tali sa akin. Simple lamang ang sa iba. Naka-red akong gown ngayon at ang buhok ko'y nakatirintas ang mga gilid tapos ay naka-bun.

"Si Romeo, nasaan?!" Sumigaw ulit si Eliott pero hindi na ako naka-dilat dahil nilalagyan na ako ng eye-shadow ni Max.

"Naglalaro!" Sagot ni Off at naghagalpakan silang magkakaibigan. Si Anton kasi iyong Romeo, si Off talaga dapat kaso umayaw siya. Alam naman naming ayaw niya sa mga ganoon. Si Anton lang iyong matino sa kanilang magkakatropa at mga lalaki pagdating sa pag-aarte kaya siya na lang ang ginawang Romeo. Wala rin namang malisya sa aming dalawa dahil matagal na rin kaming mag-kaibigan kaya okay lang.

"Pababa na sila, kilos na, dali!" Sigaw ni Eliott. Saktong natapos naman na si Max sa akin kaya napangiti siya ng malawak. Nakaramdam ako bigla ng kaba pero katulad ng ginawa ko, pinakalma ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-inhale exhale.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now