Pang dalawampu't-siyam

106 4 1
                                    

(Listen to the song above to get you into the mood while reading.)

Ika dalawampu't-siyam na Kabanata

Listahan

Hindi ako nakasama sa moving-up noong grade 9 dahil wala naman ako sa honor list. Nawalan na ako ng gana mag-aral simula pa lang ng pagtuntong namin doon. Lalo pa akong nawalan ng gana nang.. mawala si Kael. Halos palayasin na ako sa bahay ng mga magulang ko no'n at hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung ganoon na nga. Buti na lang nga ay hindi, kaso nga lang ay hindi naman nila ako pinapansin. Parang wala na lang.

"Lauon, my dude!" Biglang umakbay sa'kin si Karl. Tinawanan ko na lang siya at tinulak.

"Section mo?" Tanong nito sa akin. Inalala ko ang section ko bago sabihin sa kanya.

"10-Albert, pre. Ikaw?" Lumingon ako sa kanya, umaasang kaklase ko siya. Hindi ko sinuyod ang listahan dahil ang pangalan ko lang ang hinanap ko.

"Sayang naman. 'Di na kita kaklase." Lumungkot siya. Natawa na lang ako at tinapik siya.

Iniwan ko siyang nakatayo roon para tignan ang papel ng sectioning at tignan ang mga kaklase ko. Sa mga lalaki, naging kaklase ko ulit si Anton, Jonathan, at Vin. Sa mga babae ay marami-rami, pero iisa lang ang naka-agaw ng pansin ko. Peralta. Apat na taon na kaming magkaklase pero last year niya lang ako napansin at nakita. 'Di ko naman siya masisisi.

"Section mo, Alcazar?" Biglang tanong ni Sir Lopena, research teacher namin last year, at tumabi sa'kin.

"Ah, Albert po." Sagot ko. Naging kalapit ko na rin siya dahil talagang malapit ang loob niya sa'ming nga estudyante niya.

"Kaklase mo pa rin si Peralta?" Tanong niya at pinagkrus ang braso. Napakamot ako sa batok ko at napayuko.

"Yie, ikaw ah." Pang-aasar niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng tenga ko. Tangina, Lauon. Mas matindi ka pa kiligin kaysa sa babae, mahiya ka sa sarili mo at sa pinsan mo.

"Sir, 'wag ka maingay." Sabi ko sa kanya. Alam niyang crush ko si Zil dahil nadulas ako noon. Buti na lang ay hindi niya ako inaasar sa room tungkol doon.

"Oo naman. Teacher niyo pa rin pala ako ngayong grade 10, ah." Sabi nito sa'kin. Ngumiti ako sa kanya. Bukod kasi sa close siya sa mga estudyante niya, nakakatuwa siya maging teacher at magaling din magturo.

Umalis na si Sir at naiwan akong nakatayo roon, nakalagay ang mga kamay sa bulsa. Sumipol ako paalis sa kinatatayuan ko para pumunta sa waiting shed at hintaying dumating ang mga kaibigan ko.

"Uy gaga, magkaklase pa rin tayong tatlo!" Napatigil ako sa paglalakad. Pamilyar na boses. Si Maxine yata iyon, napalingon ako.

"Walang titibag." Sagot ni Bianca at natawa. Tumawa rin ang dalawa habang nakatingin pa rin doon sa listahan.

Nakita ko si Zil na naroon din kasama nila. Bagong gupit, maiksi na ulit ang buhok niyang maalon na hanggang balikat. Hindi na ako nagulat dahil kada taon bago magpasukan ay ganoon ang gupit niya.

"Baka matunaw."

"Gago!" Gulat akong napatingin kay Jonathan na naka-lebel na ang mukha sa'kin. Tinulak ko iyon palayo at umatras. Natawa siya sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakla amputa." Sabi niya at naiiling. Sinamaan ko ulit siya ng tingin bago magsalita.

"Hindi dapat ginagawang insulto ang pagiging bakla." Seryosong sagot ko kaya napataas siya ng dalawang kamay at natawa ulit.

"Easy! Biro lang."

Nailing na lang ako sa kanya. 'Di ko alam kung bakit ko siya naging tropa, ang sarap niyang batukan minsan dahil sa mga kagaguhan na ginagawa't sinasabi niya. Sinasabihan na namin, ayaw pa rin makinig.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora