Pang labing-isa.

101 2 1
                                    

Ika labing-isang Kabanata

Karaoke

Dumapa agad ako sa kama pagdating ko sa bahay. Sobrang sakit ng katawan ko at pakiramdam ko hindi na ako makakabangon simula nang humiga ako rito. Binalik ko na ang jacket na ipinasuot ni Off sa akin kanina at nakapagpalit na rin ang damit na kumportable naman kaya okay lang na hindi na muna ako magpalit. Hindi pa naman ako naiinitan.

Inabot ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at itinapat iyon sa mukha ko. Binuksan ko agad ang wifi at nagtungo sa twitter. Hahanapin ko talaga ang may-ari ng account na iyon. Sino ba kasing nasa tamang pag-iisip ang gagawa no'n? Tanggap ko pa kung kaibigan ko o ni Off iyong nag-post ng picture namin, maiinis ako pero mawawala rin naman iyon. Nakakapagtaka lang kasi na anonymous iyong nag-post at alam pa niya ang third name ko na halos walang nakakaalam bukod sa mga kaibigan ko. Kapag kasi nagpapakilala ay hindi ko na iyon sinasama. At sino naman iyong si Perseus? Si Alcazar? First name niya? Umiling ako. Ewan ko, gulong-gulo na talaga ako. Dadalawa lang ang tweets ng kung sino man 'to pero grabe ang epekto noon sa akin.

"Akin si Peralta." Basa ko ulit dito, kunot na kunot ang noo. Hindi na ako magugulat pa kung mabilis na magkaroon ako ng wrinkles sa noo dahil sa madalas kong gawain na ito.

Sinong tanga naman ang aangkin sa akin? Kakaunti lang din ang tumatawag sa akin ng Peralta dahil Zil na ang nakasanayan nila. Unang pumasok sa isip ko si Kael ngunit imposible naman iyon. Napatingala tuloy ako at naalala na naman siya. Sa sobrang pagka-busy ko ngayong grade 10, minsan nakakalimutan ko na siyang kausapin, ngunit kapag naaalala ko naman ay agad ko itong ginagawa hangga't maaari. Napangiti ako nang matanto na hindi na ako ganoon umiiyak dahil sa kanya. Matutuwa ba siya kapag ganito? Iyong masaya ako? Hinding-hindi naman siya mawawala sa puso ko. Kahit na wala na siya, may parte pa rin siya doon. May tumulo tuloy na luha sa pisngi ko pero agad ko iyong pinunasan at inilingan. "Rip, Kael. Mahal na mahal kita at sana'y masaya ka sa kung nasaan ka man." Bulong ko bago bumalik ang tingin doon sa cellphone ko. Wala kasi talaga akong maisip na gagawa noon.

Tinignan ko ang likes ng account na iyon at nakitang wala naman iyong laman. Black din ang icon nito pati ang header, ang pangalan naman nito ay name cannot be blank at ang username ay 162523c. Wala itong finofollow pero nakita kong may tatlong followers doon. Si Angela, Jonathan, at iyong isa pang kaibigan ni Angela. May kinalaman ba sila rito? At bakit pati si Jonathan ay isa sa followers niya? Magkakaibigan ba sila?

Sa huli ay binitawan ko na lang ang cellphone ko dahil sumasakit ang ulo ko sa kaiisip sa kung sino iyon. Bahala na nga siya, baka nantitrip lang iyon.

Nagpahinga lamang ako saglit at maya-maya'y naligo na ako at nagpalit ng damit, tapos ay bumaba na ako para kumain. Umakyat na ako kaagad pagtapos kumain, sinabi ko naman kina mama na masakit ang katawan ko at hindi na ako makagalaw ng maayos. Totoo iyon, halos hindi ko na nga mahila ang katawan ko patayo galing sa kama kanina. Alam din kasi nilang marami akong sinasalihan na mga extra curricular activities sa school, hindi rin kasi nila ako mapipigilan dito dahil minsan ay nakakaligtaan ko sabihin sa kanila. Magugulat na lang sila na ang mga pictures ko sa fb ay iba-iba ang suot ko at may kung anu-ano akong props na hawak.

Tinignan ko ang mga pinost na pictures ni Jane, iyong batch photographer namin. Baka lang naman may maganda akong pictures sa kanya na pupwede kong ipalit sa nabubulok kong profile picture na kinuhanan noong christmas party namin last year.

Hindi naman ako nabigo dahil may nakita akong maayos kong picture na naka-kindat at naka-salute. Kumikindat kasi ako habang nagpeperform kami kapag malapit na iyong pinakamaganda at exciting na parte ng performance namin, alam na rin iyon ng halos lahat kaya signature move ko na iyon.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now