Pangatlo.

185 6 2
                                    

Ikatlong Kabanata

Playlist


Tapos na ang periodical tests namin at friday na ngayon. Nakakahinga na ako ng maluwag dahil wala na akong aaralin at hindi na ako mastrestress kasusulat ng notes. Nakaupo lang ako ngayon sa upuan ko dahil tapos na ako maglocker, at matagal ang paglilinis kapag friday or end ng periodical test, general cleaning kasi sa mga natitrang oras. Cleaner naman ngayon si Maxine at Amarie.

Inilabas ko na lang ang libro ko at binasa iyon. Kapag kasi wala akong magawa rito sa school, nagbabasa na lang ako ng libro. Hindi ko rin kasi iyon mabasa sa bahay dahil busy naman ako lagi pagdating o 'di kaya'y pagod na pagod ako. Dito lang ako nagkakaroon ng oras para sa ganu'n.

Kinuha ko ang earphones ko at ipinasak ito sa butas ng cellphone ko para sa earphones. Plinay ko naman ang playlist kong nagngangalang dipper. Lahat kasi ng mga kantang inalagay ko rito ay iyong malulungkot at magagandang kanta na isinuggest niya sa akin. Mahilig kasi kaming dalawa makinig sa mga kanta, lalo na't pareho kami ng mga gustong genre. Maliban nga lang sa isa, pero okay lang naman.

~ And I will still be here, stargazing
I'll still look up, look up
Look up for love
I will still be here, stargazing
I'll still look up, look up
Look up for love ~

Stargazing. Paborito namin iyong kanta ni Dipper, dahil mahilig kami tumingin sa mga bituin. Mahilig namin pagmasdan ang langit at mag-imagine ng kung anu-ano. Mag-usap tungkol sa mga seryosong bagay. Madalas rin ang pagpapayo niya sa akin tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. Masiyahin kasi akong tao, at hindi halata na palagi akong umiiyak kada linggo. Unang tingin at pagkilala mo sa akin ay hindi mo aakalaing mayroon din akong sakit na nararamdaman, kasi ang palagi kong ipinapakita ay matapang ako. Kay Dipper ko lang naipapakita ang mahinang side ng sarili ko.

Tumulo ang luha mula sa kaliwang mata ko, kaya agad ko itong pinunasan. Hindi pupuwedeng may makakita sa aking umiiyak. Sabihin nila, nagdradrama na naman ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa at pakikinig sa musika habang hinihintay sina Maxine.

Nanlaki ang mga mata ko nang may humila bigla ng earphones ko. Inalagay niya ito sa kanang tenga niya at tumabi siya sa akin sa kaliwa. Kumunot ang noo ko at kumulo ang dugo ko nang makitang si Off pala ito.

"Ano na naman bang problema mo?"

"Wala. Gusto ko lang pakinggan mga kantang pinapakinggan mo." Nakangising sabi niya.

Inirapan ko siya at pinabayaan na lang. Kahit ano naman kasing pagtataboy ko rito, hindi pa rin 'yan aalis. Parang peste lang.

Nagfocus na ako sa pagbabasa ko at halos maiyak ako. Namatay kasi 'yung bida sa binabasa ko, nakakarelate tuloy ako. Nararamdaman ko ang pagmamasa ng mata ko pero agad ko naman itong kinusot. Baka makita pa ni Off, asarin pa ako. Nilingon ko si Off at nakita kong nakapikit lang siya habang binubulong ang lyrics ng kantang pinapakinggan namin.

~ So open your eyes and see
The way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home ~

Napatitig ako sa kanya at nakita kong ramdam na ramdam niya ang pagkanta. Para bang nakakarelate siya rito at ang sakit para sa kanya noon. Nagsw-sway pa ang ulo niya habang kinakanta ito. May pinagdadaanan kaya 'to? Mukha kasi siyang sinaktan ng todo-todo, eh.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may tumulong luha sa mukha niya. Pinabayaan niya lang ito at nakapikit pa rin siya. Nakatitig pa rin ako sa kanya dahil ngayon lang ako nakakita ulit ng lalaking umiiyak, huling kita ko kasi ay si Dipper.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now