Pang dalawampu't-anim

91 3 1
                                    

Ika dalawampu't-anim na Kabanata

Zil




"Perseus!" Tumatakbong pumunta sa'kin ang pinsan ko. Matagal ko na rin siyang hindi nakita simula noong tumuntong siya ng highschool at lumipat ng bahay.

Nagyakapan kami saglit at tinapik niya ang likod ko. Nang humiwalay siya ay malaki ang ngiti niya sa'kin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ginulo ang buhok ko.

"Laki mo na, Perseus! Parang dati lang ay pinagtatanggol pa kita, ah." Asar niya sa'kin. Inilingan ko naman siya.

"Narinig kong nasuspend ka na naman, ah? Loko ka talaga. Sabi ko 'wag mo na pansinin, e." Dagdag niya pa. Ngumiwi na lang ako. Nasuspend na naman ako dahil do'n sa ginawa ko kay Raver, black eye tapos duguan iyon. Hindi naman ako ang nagsimula, eh. Umiiwas na nga ako sa away tapos ay pinuno niya pa ako.

"Hindi ko naman kasalanan." Pagtanggi ko. Tumikhim na lamang siya at nilagay ang mga kamay sa bulsa niya, gano'n na rin ako.

"Kahit na, 'no. Magpakabait ka na rito, ah. Babantayan na ulit kita." Sabi niya at natawa.

"Oo naman." Ngumisi ako. Malaki na ako at alam ko na kung paano kontrolin ang sarili ko dahil natuto na ako, 'di ko na kailangan na bantayan niya. Pero dahil ngayon lang ulit kami nagkita, pagbibigyan ko na muna siya. Namiss ko rin naman siya.

Western Science High School. Basa ko sa nakalagay sa building na nasa harapan namin. Nasa grounds kami ng school na papasukan ko na sa susunod na buwan at kung saan nag-aaral na si Mik. Grade 10 na nga dapat siya ngayon dahil dalawang taon ang agwat niya sa'kin kaso ay nahuli siya ng pasok, ayon tuloy at grade 8 pa lang siya sa pasukan. Grade 8 na rin sana ako kaso nahuli rin ako gaya niya.

"Maghanda ka na, mahirap talaga rito. Pero maeenjoy mo naman, para rin naman sa kinabukasan mo 'to." Tinabihan ako ni Mik at tinapik ang balikat ko habang nakatingala na rin. Inaasahan ko naman na talagang mahirap dito, science high school eh. Kaya hindi nakapasok si Raver dahil mahirap ang exam, apat lang din kaming nakapasok mula sa school namin.

"Halika, may papakita ako sa'yo." Ani Mik at naglakad patungo sa gilid ng building. Sumunod na lang ako sa kanya.

Kumanan siya at nakita ko na puro bulaklak ang pinuntahan namin. Maraming halaman at may gate rin doon. May pwedeng upuan doon na espasyo sa lalagyan ng halaman kaya umupo si Mik doon at dumekwatro ng upo. Pumikit siya at ngumiti.

"Ganda, 'no? Tahimik." Sabi niya. Tumango ako.

"Dito kami madalas tumambay magbabarkada. Kaunti lang kasi ang pumupunta rito dahil takot sa masikip na daan papunta rito." Paliwanag niya.

"Pwede ka tumambay rito, kung gusto mo. Pwede rin doon sa rooftop, sa waiting shed, diyan sa stage. Ito lang kasi talaga ang pinakatahimik." Dagdag niya pa. Panay lang ang tango ko at pagmamasid. Maganda nga ang lugar na 'to dahil malinis tignan, mukhang pwede pa nga mag-cutting dahil kayang-kaya akyatin ang gate, wala pang bantay o cctv dito.

"Kael pala ang tawag sa'kin dito. Kael na rin ang itawag mo sa'kin." Sabi niya.

"On na rin itawag mo sa'kin." Sagot ko naman. Ayoko na marinig ang Perseus dahil sa nakaraan ko sa school namin.

Tumango na lang siya at tinignan ang cellphone niya. Tumayo siya nang makita ang oras kaya sumunod na ako roon. Dumeretso siya sa waiting shed papunta sa mga kaibigan niya at nagpaalam sa akin. Dumeretso na rin ako kung nasaan naka-pwesto ang mga kaibigan ko.

Huling araw ng enrollment ngayon at pinili namin ang araw na ito para wala masyadong tao. Ayaw din kasi namin makipagsiksikan, at napag-usapan din namin ni Mikael na magkita ngayong araw.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now