Pangalawa.

223 8 11
                                    

Ikalawang Kabanata

Locker

"Punyeta, Off, bumalik ka nga rito!" Sigaw ko habang tumatakbo, hinihingal na.

Nilingon ako ni Off at dumila. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Tumakbo muli ako paikot ng classroom para kunin 'yung notebook kong kinuha niya mula sa bag ko. 1st periodical test namin ngayon, at habang nakikipag-usap ako, biglang hinalungkat ng mga kabarkada ni Off ang notebook ko sa bag ko at pinagpasahan nila ito. Ngayon, si Off na ang may hawak nito.

Tumigil muna ako saglit sa pagtakbo at napahawak sa dibdib ko. Hinawakan ko rin ang upuan sa tabi ko. Ayoko talagang nagmumura pero dahil talaga kay Off, lumalabas ang pagkademonyo ko. Putangina siya.

Nilingon niya ako at lumambot ang mukha niya nang makita akong hingal na hingal. Bumalik ang ngisi niya at parang hindi lumambot ang itsura niya noong nakita ako. Namamalikmata lang ba ako nu'ng nakita ko ang pagdaan ng konsensya sa mukha niya?

Tumigil siya sa pagtakbo at lumapit sa'kin. Inabot niya ang notebook ko at kinuha ko ito nang padabog sa kanya.

"Sorry." Wika niya at napayuko. Tumango na lamang ako.

"Kairita pa rin kayo." Masama ko siyang tinignan pati ang mga kabarda niyang si Jonathan at Anton. Nakangisi pa rin sila kaya sinamaan ko sila ng tingin at inambahan na batukan. Agad nilang hinarangan ang ulo nila gamit ang mga kamay nila.

"Ano ba trip niyo? Parang mga tanga." Inirapan ko sila at bumalik na ako sa upuan ko para uminom ng tubig. Sakto naman ang pagdating ng proctor namin at nagsimula na ang exam namin.

--_

Uwian. Uwian na at natapos na ang unang araw ng periodical test namin. Nakahinga na ako ng maluwag dahil at least, natapos na rin. May dalawang araw pa kami para sa periodical test. At least nabawasan na ang mga aalalahanin ko.

Wednesday ngayon, cleaner si Jana. Umupo muna ako sa classroom namin at inilagay doon ang bag ko. Kinuha ko ang mga gamit na kailangan kong ilagay sa locker.

"Jana, locker lang kami!" Sigaw ko habang hinihintay si Bianca ayusin ang mga gamit niya.

Tumango lamang siya kaya lumabas na kami ni Bianca at bumaba. Nasa 2nd floor kasi ang locker namin dahil maaga kaming nagpareserve.

"Perfect mo 'yun, 'no?" Napahawak ako sa dibdib ko nang isara ko ang locker ko. Tumambad kasi ang mukha ni Off na nakangisi at nakasandal sa locker na katabi ko.

Napataas ang kilay ko at nag-cross ang mga braso ko. "Ano na naman bang ginagawa mo rito, Off?"

"Wala lang. Guluhin lang kita." Sumandal siya at tumingin ng deretso. Naka side view kasi siya sa akin kanina.

"Ewan ko sa'yo." Inirapan ko siya at tinalikuran para puntahan si Bianca. Nagulat ako noong hawakan niya ang braso ko, kaya naman napalingon ako. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Tatanggalin mo 'yan o tatanggalin kita sa mundo?" Sambit ko habang nakatingin sa kamay niya. Agaran niya naman itong tinanggal.

"Ang harsh mo naman, Liz."

"Harsh mo mukha mo. Ano ba kailangan mo?" Mataray ko ulit na tanong. Bumuntong-hininga naman siya.

"Liz.." Tumayo siya ng deretso at humarap sa akin. Nakayuko siya. Ano bang meron dito?

"Liz may sasabihin ak----"

"Zil, baba na tayo! Nasa baba na sina Jana, may sasabihin daw siya!" Tumatakbong sabi ni Maxine at hinablot ang braso ko. Hindi na ako nakapalag at nagpadala na lang ako sa hila niya habang tumatakbo. Nilingon ko si Off at nakita kong nakayuko siya. Nakaramdam ako ng guilt pero agaran din itong nawala nang makita ko na hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at naglakad siya palayo sa amin. Bigla tuloy akong napaisip sa biglaang pagseryoso niya.

Saving the Fallen Constellation (Athánati series #1)Where stories live. Discover now