Ikaunang Kabanata

1.2K 31 7
                                    


"Mahal na Reyna! Manganganak na po ang Mahal na Prinsesa!"

Agad tumayo ang matandang babae na tinawag na Mahal na Reyna upang puntahan ang Mahal na Prinsesa.

"Isang Sumpa! ISANG SUMPAAAAA!"

Hindi pa man nakakapasok ang Mahal na Reyna sa silid ay agad ng lumabas ang tagapag paanak.

"I-ina.. A-ang anak ko..."

Lumapit ang Mahal na Reyna sa sanggol at ito'y binuhat.

"Ang Huling Propesiya, ngayon ang iyong pagdating." Ikinangiti ng munting sanggol ang bulong na iyon ng Mahal na Reyna na tila ba naiintindihan niya ito.

Pinagmasdan ng maigi ng Mahal na Reyna ang munting sanggol. Tama ang kanyang hinala. Sa kanya ipinagkatiwala ang batang magwawakas ng lahat ng kasamaan.

"Ang itinakda..." Huling bulong ng Mahal na Prinsesa bago mawalan ng buhay.

Nalungkot ang Mahal na Reyna ngunit hindi nya ito ipinahalata. Siya ang Reyna hindi dapat sya magkaroon ng kahinaan.

Muling bumalik sa kanyang isipan ang huling pangitain nya.

"Ang itinakda ay darating, ikaw ang syang maghihirang sa akin."

"Sa pagsabog ng bulkan iyong mararamdaman ang lahat ng elemento ng kapangyarihan."

"Sa pagkawala ng nagsilang ang itinakda'y manganganib."

"Sa pagdanak ng dugo siya'y darating. Lilipunin ang kasamaan upang kanyang pasunurin."

"Ang itinakda... Ang taong hahawak ng lahat ng elemento. Ang aking... Apo..."

--
Hello there!

This story is full of grammatical error and a lot of mistakes. A LOT.

Please bear with me po. I'm not a professional writer for your information. 😊

Anyways... Please do enjoy...

-Chao

Credits to Jason Rey Bacuahon for the cover. I love it! ♡

Started: April 20 2020

Mallory (ON-GOING)Where stories live. Discover now