Ikaanim na Kabanata: Dissolve

443 22 8
                                    

Anya's POV

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Zeo. What the hell? Anong ginagawa nya? Ginagalit nya ba si Nasha?

Nakita ko ang pagyuko nito at saglit na pagkumpas ng kamay bago umilaw ang buong katawan niya.

Saglit na saglit lang bago ako nakaramdam ng isang enerhiya.

Ano yun? Napakalakas.

Napalingon ako kay Zeo na nakita kong nakatingin sa likuran ni Nasha.

Sya ba yun? Sa kanya yun?

Umilaw ang paanan nya at nagkorte ng isang simbolo na sa tingin ko ay pamilyar. Nakita namin ang paglabas ng isang puti at itim na maliit na dragon bago inikutan si Nasha. Nakita kong nagbago ang anyo nya. Naging makinang ang puting buhok nito. Naging kulay itim ang damit niya pati ang maliit na dragon na nasa balikat nito ay maitim na din. Hindi ba dapat puti?

Napatras ako sa pagmulat ng mata nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napatras ako sa pagmulat ng mata nya. Ba-bakit kulay lila? Nakaramdam ako ng malakas na enerhiya na nagmumula sa kanya.

A-ano ka?

Mukha namang narinig nya ang nasa isip ko kung kaya't ngumiti sya nang matitigan nya ako. Pero nagtataka ako. Bakit wala syang pakpak?

"Ash..." Narinig ko ang pagtawag niya sa dragon. What?! Nakakausap nya na agad?

Narinig ko ang maliit na ungol nito bago sya binalot ng maitim na usok at nawala ang maliit na dragon.

"Sugod." Utos nya.

Agad namang gumalaw si Ace at binato ito ng matutulis na bagay na gawa sa apoy. Agad ko namang itinaas ang kamay ko para madagdagan ang pwersa ng tira ni Ace. Nagulat naman ako ng biglang mawala ang apoy ni Ace.

Nakita ko ang pag ngisi ni Nasha. Nakakakilabot.

Nagsabay ang pagsugod ni Merliah at Jack. Mukhang nagulat din sila at di makapaniwala na nagawa ni Nasha yun kaya't dinamihan nila ang nga matutulis na bagay na gawa sa tubig at hangin. Magkakasabay na pumunta palapit kay Nasha iyon at ganun din ang nangyari.

Lumipad si Zeo malapit samin at tinanguan kami.

Naglabas kaming lahat ng bolang enerhiya at pinagsama iyon. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mata ni Nasha. Nakita ko rin ang saglit na pagbabagong kulay ng mata nya na agad ding nawala. Nakatayo lamang sya sa gitna. Sa tingin ko ay malaki ang kumpiyasa nyang madi dissolve nya ang enerhiyang ito.

Binalutan ko ng malakas na barrier ang energy ball upang ma counter ang ginagawa nyang pagdi dissolve at ibinato ito kay Nasha.

Nakita kong tuluyang naging itim ang buong mata nito ng mapalapit sa kanya ang energy ball. Hindi nya parin itinataas ang kamay nya kaya't kinabahan ako. Balak nya bang saluhin yun?!

Nagulat ako sa biglang paglipad ni Ace at Zeo papunta kay Nasha bago pa man tumama sa kanya ang Energy Ball. Nakita ko din ang pagtalsik ng dalawa sa magkabilang dulo ng training room bago dumagundong ang buong lugar.

Mallory (ON-GOING)Where stories live. Discover now