Ika Dalawampu't Apat na Kabanata

243 18 1
                                    

Nasha's POV

Tahimik at payapa.

Nandito ako sa labas ng tinutuluyan naming bahay.

"Hindi ako makatulog." Bulong ko sa sarili.

Hindi talaga ako makatulog. Nakakainis.

Sobrang nag aalala ako dahil pinagusapan nila na bukas agad babalik sa palasyo.

Napahinga ako ng malalim.

Ayokong sumama pero gusto ko silang makasama.

"Now I know why I felt the uneasiness. What is it that bothering you Princess?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Kyle." Bati ko nang makalapit siya.

"Ayaw mong umuwi?" Tanong niya sa akin.

Umupo siya sa tabi ko at tumitig sa tubig kung saan kita ang maliwanag na buwan.

Umiling ako.

"Ayoko ding bumalik ka don." Mahinang bulong niya.

Napalingon ako sa kanya.

"Asha.. She told me. Lahat ng paghihirap na dinanas mo doon alam ko, alam namin, kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw mong bumalik. Ayoko ding ibalik ka don." Seryosong sabi niya.

Ngumiti ako ng marahan.

"That is my home Kyle. Kahit saang banda tignan, doon ako pinanganak at doon ako lumaki." Paliwanag ko.

"That's just it. Doon ka lang pinanganak at lumaki but they never treated you like that. They can't even see how beautiful you are when you're growing." Sagot niya naman.

"That's because Father is mad at me. He thinks that I'm the reason why Mom and GrandMa died."

"Which is not, right? Sino ba namang gustong may mamatay na pamilya niya. Atleast not you Nash."

Ngumiti ako saka tumingin sa kanya.

"Sempre naman. Mahal ko ang pamilya ko. Mahal na mahal." Bulong ko.

"I Love you more."

Napalingon kami ni Kyle sa nagsalita.

"Kuya." Tawag ko.

"So Kuya na tawag mo sakin? Di na Gabriel?" Biro niya saka pumagitna sa amin ni Kyle.

"Wala sila eh." Natatawang sagot ko.

"Hoy ikaw ah. Anong naririnig ko na sa isang kwarto kayo natutulog ha?" Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Kyle.

"Eh anong gagawin ko? Gusto ko syang kasama sa kwarto." Sagot ko sabay turo kay Kyle.

"Anong gusto?! Tayong dalawa magtabi sa kwarto!" Mahinang pagsigaw na sabi niya.

Tumingin ako sa kanya saka ngumiwi.

"Naririnig mo ba sarili mo Kuya? Ang pangit pakinggan." Iling iling na sabi ko.

"Anong pangit don? Magkapatid tayo." Proud na sabi niya.

Natahimik ako sa sinabi niyang iyon.

Magkapatid kami..

Magkapatid.... Kami..

Paano kaya kung hindi ako pinanganak? Buhay pa kaya sila Ina at Lola?

Malungkot akong tumingin kay Kuya.

"Sorry.. Kasi dahil sa akin nawalan ka ng Ina at Lola." Bulong ko.

Tila nagulat siya sa sinabi ko, matagal bago siya makasagot.

Mallory (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن