Ikatlong Kabanata: Etheria Academy

616 33 12
                                    

"Not because you think I'm bad doesn't means I'm bad."

Nasha's POV

Nakaramdam ako ng malakas na prisensya ng kapangyarihan kung kaya't iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang tuktok ng akademya kung kaya't napanatag ang loob ko, ibig sabihin ang naramdaman ko ay ang barrier na bumabalot sa buong akademya.

Ipinasok ng driver ang sasakyan sa gate nito kung kaya't napagmasdan ko ang buong akademya. Napa nganga ako sa bawat mwebles na bumubuo sa lugar na ito. Ngayon lamang ako nakalabas ng palasyo kung kaya't ang mga ganitong bagay ay bago sa akin.

Bumaba ako sa sasakyan upang matitigang maigi ang buong paligid. Ngayon ko lang napansin na para itong isang buong isla. Napapalibutan ng mga puno at ang mismong kinatatayuan nito ay pinapalibutan ng tubig. Nilingon ko ang aming dinaanan at napansin ko ang pagbaba ng isang tulay na tiyak akong iyon ang dinaanan namin.

"Nasha Lux?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita.

Tumango lamang ako bilang sagot. Hindi parin kasi ako matapos sa pagkamangha sa paligid.

Nakita ko ang pagkunot ng babae na ngayon ay nasa harap ko na.

"What are you doing?" Nakuha naman nito ang atensyon ko.

"Bakit?" Tinaasan nya ako ng kilay at agad tinuro ang nasa likuran ko.

Nagulat ako dahil nakita kong lumulutang ang mga gamit ko. Agad ko namang kinalma ang sarili ko upang mawala ang epekto ng kapangyarihan ko sa paligid.

"Nice. Come." Kinuha nung babae ang envelope na dala ko at naglakad.

Sinundan ko naman siya hanggang huminto kami sa isang pintuan. Itinapat niya ang kanyang daliri sa isang butas at agad itong umilaw.

"Merliah Summer."

Sabi ng pinto? Nagsasalita yung pinto? Sinilip ko naman ang butas upang malaman kung may tao ba sa loob.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa ng babae kung kaya't tumayo ako ng maayos.

"Pasok ka." Niyaya ako ng babae kaya't sinunod ko sya.

"Good Morning Ms. Summer. Thank you for fetching Ms. Lux. Please wait outside for a moment." Sabi ng lalaking nakaupo sa harapan namin.

Agad namang umalis si Ms. Summer at iniwan ako.

"Maupo ka Ms. Lux." Oo nga pala Lux ang apilyedo ko dito.

Umupo ako gaya ng sabi nya.

"Ako si Paul Hunters ang Principal dito. Ikinagagalak ng aming Akademya ang pagdating ng tulad mo. Isang professional Arta user." Tinutukoy nya yata ang pagpapalutang ko sa mga gamit ko kanina.

Sa totoo lang di ko yun sadya. Nadala lamang ako ng pagkamangha sa paligid pero totoo ang sinabi nya. Isa akong professional Arta user kung ganoon ang basehan nila.

"Heto ang schedule mo at uniform. Maari kang sumama kay Ms. Summer dahil kaklase mo sila. Natutuwa ako na may bagong myembro ang Primis ngayong buong taon. Maligayang pagdating muli sa Etheria Academy at Good Luck." Nakangiting bati ng Principal.

Naglakad na ako palabas ngunit tinawag nya akong muli.

"Natutuwa akong makilala ka Ms. Lux. And Please do something about your hair." Tinanguan ko naman ito bago lumabas.

Nakita kong hinihintay ako ni Ms. Summer at may apat pa syang kasama. Lumapit silang apat sa akin ngunit tumalikod ang isa.

"Hi ulit Ms. Lux. Ako nga pala si Merliah. Merliah Summer. Water." Pinakita nya sakin ang kamay nya na may maliit na ipo ipong tubig, napangiti ako sa ginawa nya.

Mallory (ON-GOING)Where stories live. Discover now