Ikalimang Kabanata: Metamorfosi

477 26 12
                                    

--

Hello po! Kung napapansin nyo gumagamit po ako ng ibang languages like Greek, Latin, Romanian at Spanish. Don't worry po ilalagay ko naman ang meaning. 😊

Vote please and feedback.
Salamaaaaaaat~

-Chao

--*

Nasha's POV

Nagising ako sa mahinang pagkulog at pagkidlat sa kwarto ko. Sa kwarto ko? Huh?

"Wake up.. Time to school kiddos."

Te-teka si..

"Zeo?"

"Good Morning to you too Ms. Lux. But how did you know to use telepathy?"

"I uh. Di ko rin alam eh. Pero ang sakit ng ulo ko. Anyways.. Goodmorning Mr. Cox." Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Zeo at isinara ko na ang isip ko.

Tumayo na ako upang maghilamos, maligo at kung ano ano pa bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si Merliah na naglilinis ng kuko sa lapag, si Anya na nagaayos ng buhok sa harap ng salamin, si Jack na nakadapa pa sa sofa at si Ace na nakain sa kusina.

"Breakfast?" Nakita kong nagtinginan sila sakin bago tumingin kay Ace.

"Ah eh sige. Salamat." Agad akong umupo sa tabi nya at kumuha ng tinapay na siguradong sya mismo ang nag toast. Mainit init pa kasi. Inabutan nya naman ako ng gatas kaya nagpasalamat ako. Himala, di nya yata ako babatuhin ng fire ball. Hehe.

"Nakakainis naman tong si Kidlat eh! Ang sakit sakit talaga ng ulo ko!" Narinig kong pag angal ni Jack saka nagtakip ng unan sa mukha.

Lumapit naman si Anya sa kanya at hinawakan ang ulo nito.

"Don't." Nakita kong lumabas si Zeo sa kwarto nya habang nagaayos ng neck tie.

Lumapit naman sya samin at umupo.

Kakain siguro.

"Ah oo nga pala. Makakatulog ka. Hihi. Sorry Jack..."

Naiinis naman na lumabas si Jack. Mukang antok pa ang isang yun.

Nakatingin sakin si Zeo. Di pala, nakatitig pala ang tamang term.

Nagulat naman ako nang mag apoy ang tinapay na nasa harap namin kaya napatingin ako kay Ace na kumakain parin.

Agad namang nagbawi ng tingin si Zeo sakin at nagumpisa na ring kumain.

"I heard meron nanamang naggagala sa Forest na mga Dark Elves at iilang Centaurs." Narinig kong sabi ni Anya.. Ang aming fairy.

"Nanaman?! Ano ba yaaaaan. Siguradong tayo na naman ang ipapadala. Tsk." Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Merliah kaya't napabuga ako ng pagkain ko.

Agad ko namang itinaas ang kaliwang kamay ko upang matigil sa pagtalsik ang kinakain ko.

"Sorry..." Itinaas ko din ang kanang kamay ko at iniharap sa pintuan ng kwarto ko.

Kumuha ako ng tissue na nasa kwarto at agad naman itong lumipad papalapit sakin. Ibinalot ko sa tissue ang naibuga ko at pinalutang hanggang sa basurahan.

"Wooooooow...." Napatingin ako sa dalawang babae na nasa sala na ngayon ay parehong kumikinang ang mata.

"Awesome..."

Napangiti ako sa kanilang reaksyon maging si Ace na tahimik ay nakita ko ang maliit na pag ngiti.

Napangiti ako at tinuloy na ang pagkain.

Mallory (ON-GOING)Where stories live. Discover now