Ikalabing Siyam na Kabanata: Mission

278 16 0
                                    

Nasha's POV

"Sorry, we don't have students with those names po." Ngumiti ako sa sagot ng isa sa Secundus.

Natanong ko na ang halos lahat ng istudyante but didn't find Elazar and Farrah.

Who the hell are they?

Naglakad na ako pabalik sa dorm.

Katatapos lang ng klase namin at nagsimula nga akong magtanong sa mga istudyante kung may kilala silang Elazar at Farrah.

Gusto ko lang sanang magpasalamat sa kanilang dalawa.

Flashback...

Tumakbo ako papunta sa lawa ni Jack.

I just woke up and my head is so painful. It hurts like hell.

Gusto kong sumigaw but I can't open my mouth, ni hindi ko maimulat ng maayos ang mga mata ko.

Himala na nga lang na nakarating ako sa lawa na ito.

Bumaba ako sa tubig at inilubog ang katawan ko.

Ang sakit.. Ang sakit sakit.

"Ash.. Asha?"

I keep on calling her but she didn't respond.

"Uhm-"

Napamulat ako nang bigla akong lumubog sa tubig. Para akong hinihigop nito pailalim.

I shout but, no words.

Pumikit na lang ako to calm myself. What is happening to me?

"Are you okay?"

Napamulat ako nang makarinig ako ng boses.

Iba ang lengguwahe nila pero naiintindihan ko.

Nakita ko ang dalawang tao na nasa harapan ko.

Lumingon lingon ako.

Nasa lupa ako, at wala sa tubig? Napakunot ang noo ko.

Alam ko lumublob ako sa tubig.

"Ayos ka lang ba?" Tanong muli ng lalaki.

Tumango ako ng dahan dahan.

"Halika na.. Hayaan na natin siya." Sabi ng babae.

"Pwede ba Farrah, bumalik ka na nga." Sagot ng lalaki.

Lumuhod sa harap ko ang lalaki at hinawakan ang ulo ko.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong niya.

Umiling ako.

Mallory (ON-GOING)Where stories live. Discover now