Ikawalong Kabanata: Malefica

397 19 12
                                    

Nasha's POV

"I'm so tired..." Nakita ko ang pagyuko ni Merliah sa desk nya.

Nandito kami ngayon sa unang klase naming Primis. Ang History.

"Hindi pa nga nagsisimula ang klase eh!" Patawa tawa si Jack habang inaasar si Merliah. Kanina pa yan.

Napansin ko naman na tahimik ang klase na ito nung pumasok ang buong Primis. Yung iba ang sama ng tingin sakin, nagtataka siguro sila kung bakit kasabay ko ang mga ito.

"Nash. Can you come with me sa canteen? I'm hungry na naman eh." Merliah pout. Napatawa naman ako bago magpahila sa kanya sa Canteen.

After nung pagtatanong nila sakin tungkol kay Asha hindi na sila nag banggit ng kung ano man. Pakiramdam ko nga mas lumapit ang loob nila sakin ngayon. Pati sila Zeo at Ace na noon ay tahimik lang ngayon paminsan minsan akong kinakausap. Pero ang madalas na makipag daldalan sakin si Jack, si Merliah at Anya.

"Do you want some?" Nandito na kami sa canteen at kumakain sya ng Blueberry cheesecake.

Umiling nalang ako at humigop ng konti sa kape ko. Oo I love Coffee... 💞

"Sa susunod na linggo magkakaroon nanaman ng duel between Secundus at Tertium tapos kung sino ang mananalo magkakaroon ng chance maka duel ang isa sa Primis. Kadalasan si Zeo o kaya si Ace ang hinahamon eh." Sabi ni Merliah.

Nakuha nya ang atensyon ko tungkol sa duel. Mukhang masaya.

"Sayang nga eh di tayo makakasali, hihintayin muna natin kung sinong mananalo bago makapag duel, di pa sure kung tayo nga ang pipilian ng mananalo." Ramdam ko ang panghihinayang nya.

Nag ring ang bell hudyat ng huling pagtawag sa mga estudyanteng nasa labas pa ng classroom. Agad na nagtayuan ang mga istudyante at bumalik sa kanya kanyang classroom

"Sorry late." Sabi ni Merliah nang may madatnan kaming teacher sa classroom pagdating namin.

Mukha syang mabait. Maliit ang muka nya pati narin ang katawan nya. May hawak syang wand.

Teka wand? Isa syang witch.

"Pagoma." (Freeze/Stop) Agad na napalingon ako sa sinabi nya. Nakita ko ring tumigil ang lahat ng kaklase ko.

"Contrarium." (Reverse/ Void). Pinawalang bisa ko ang ginawa nya.

Kung ganoon isa nga syang witch. Nagulat sya sa ginawa ko pero agad din namang nakabawi.

Nakarinig naman ako ng mag angal sa mga kaklase ko. Maging si Jack na ngayon ay nakatayo.

"I believe ikaw ang bagong student?" Sakin sya nakatingin kaya tumango ako. Napansin ko namang napatigil sila sa sunod na sinabi nito.

"Please introduce yourself."

"Nasha Lux." Pagkasabi ko ng pangalan ko ay halata ang pagkagulat nya. May kilala ba syang Lux?

"Anong Arta mo?" Nagulat ako sa biglang pagtayo ng babae sa unahan.

"Bakit kasama ka ng mga Primis, at magka dorm pa kayo?" Pagtutuloy nya.

Nakaramdam nanaman ako ng init na papalapit sakin. Tsk. Ace. Tinaas ko ang kamay ko upang patigilin ito. Nakarinig ako ng pag 'gasp'.

"That's her Arta." I saw Ace stand up na kinayuko naman ng ibang estudyante.

"Kaya ka nyang palutangin. Boo!" Ginulat nya ng babae kaya napaupo ito.

Lumabas naman sa klase si Ace. Narinig ko pa ang pagtawa ni Anaya at Merliah sa likod. Mga loko. -___-

Mallory (ON-GOING)Where stories live. Discover now