Ikasiyam na Kabanata: Maria, Leonora, Theresa

366 20 10
                                    

Nasha's POV

Nandito kami sa isang green house sempre nasa loob parin ng akademya. Biology class kami ngayon. Tungkol sa pag gawa ng mga herbal o kung ano pang ginagawa ng mga fairies at nymps. Pansin ko namang aliw na aliw si Anya dahil fairy nga sya. Si Merliah naman nay kausap na lalaki, in short nakikipag flirt. Hehe. Si Zeo naman nakaupo sa gilid nakapikit same with Ace. Samantalanag si Jack naman maraming kausap na babae.

Okay, magisa lang ako.

"Pwede bang dito nalang ako? Mas tahimik." Tumabi ako kay Ace. Di naman ako nakarinig ng salita sa kanya kaya umupo ako.

"Tu-tulong... Tulungan nyo ko parang awa nyo na..."

Napakunot ang noo ko saka lumingon lingon sa paligid.

"Why? What's the problem?" Kinalabit ako ni Ace. Napansin nya sigurong may hinahanap ako.

"Ah... Wa-wala..." Nanlaki ang mata ko ng biglang tumakbo palabas si Anya.

Narinig nya?

Tumakbo ako at sumunod sa kanya. Nararamdaman ko sila Ace at Zeo sa likuran ko.

"Wait! That's outside the barrier!" Napahinto ako sa pagsigaw ni Ace.

What? Labas na ng barrier?

"Na-nasha.. Narinig mo ba? May humihingi ng tulong..." Nilapitan ako ni Anya at hinihila papasok sa gubat.

Gubat ang nakapalibot sa buong akademya bago pa man mapalibutan ng mga tubig. Nakakaramdam ako ng iba't ibang enerhiya mula sa loob ng kagubatan.

"Wait. Sasama ako." Lumapit samin sila Ace upang sumama sa loob ng gubat.

Naglakad kami nang dahan dahan habang sinusundan si Anya. Padilim ng padilim sa dinadaanan namin kahit na umaga sa loob ng akademya. Gumawa si Ace ng apoy sapat lamang upang maging ilaw namin at makita ang daan.

"Te-teka.. Dito yun." Napalingon ako sa paligid. Isa itong itim na sapa.

"Ito ang..."

"Lake of Destruction. Sinasabi nilang sa ganitong klaseng tubig nabubusog ang isang Anghel. Ginawa mismo ito ng Angel of Destruction kung kaya't iyon ang ipinangalan nila dito." Paliwanag ni Anya.

Tama sya. Ito ang Lake of Destruction. Kulay itim ang tubig dito ngunit sinasabing isa ito sa pinaka malinis na tubig sa buong Etheria.

"Sino ka?" Napalingon ako sa gawing tinitignan ni Anya.

Babae. Isang babae. Nakayuko sya sa sapa at nakatalikod samin.

What is she doing?

What is she doing?

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

"Help me.."

"Ikaw? Ikaw ang humihingi ng tulong." Napalingon ako sa sinabi ni Anya. Kung ganoon narinig nya nga.

Mallory (ON-GOING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ