Nagseselos?!

39 0 0
                                    

NAGSESELOS!?

Oct 27 2017

by: Jeon chanel Nix isles

Oo nagseselos nga ako sa tuwing kausap mo siya,
Siya nga lang ang taong mahal ko ngunit,
Ngunit ako nga ba ang taong nagseselos lamang!?,
Lamang na kayang iwagi o ipatalo ang aking nararamdaman,
Nararamdaman ay isang pahamak lamang sa aking pagkatao.

Ang pagkatao ko ay iningat-ingatan ko,
Ngunit dahil lang sa selos ay nasira na ang buhay ko o sadyang pagkataon ko lamang,
Dahil sa selos ayoko ng magmahal muli,
Ngunit ang pusoko ang tumutulak saakin upang magmahal muli.

Dahil sa selos,
Ako ay bumangon muli,
Muling ibalik ang pagkabuhay ng aking puso,
Pusong nagmamahal, Nagseselos,
Nagseselos nga ako ngunit tama na,
Tama na dahil di rin ako magwawagi,
Wagi sa pag-ibig.

Nagseselos ako!!

Poetry(COMPLETED)Where stories live. Discover now